ESPESYAL

Tubig sa Dasmariñas Cavite, Pamatid Uhaw Lang

Ang tubig ay buhay, isa sa mga pangunahing pangangailangan ng lahat. Marami ang gamit nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ngunit kung mawawalan ng suplay ng tubig sa isang komunidad ay tiyak na maraming maaapektuhan nito.

Gaya ng nangyayari ngayon sa Brgy. Paliparan 3 sa Dasmarinas City Cavite. Halos tatlong taon ng kalbaryo ng mga residente sa nasabing lugar ang kawalan ng suplay ng Tubig. Ilang beses na ring kinalampag ang ahensya ng Dasmarinas Water District (DWD) sa Social Media, Telebisyon at Radyo sa kinahaharap nitong reklamo sa serbisyo ng tubig ngunit tila bingi ang nasabing ahensya. Isa pa sa mga saloobin ng mga residente dito ay ang hindi pagtugon ng opisina ng kanilang Barangay sa kanilang hinanaing sapagkat hindi raw ito sakop ng kanilang tanggapan.

Nito lamang nakaraang taon ay inireklamo ng concern citizen ng Brgy. Paliparan 3 Dasmarinas Cavite ang problema sa kawalan ng suplay ng tubig laban sa DWD sa isang kilalang radio program ni Raffy Tulfo. Aniya ng DWD Public Information Office, may mga inaayos daw na water pumping stations due to upgrading submersible pumps sa ilang bahagi ng Dasmarinas Cavite na nagdudulot ng mahinang suplay ng tubig o low pressure condition dahil sa deep well pump ang pinanggagalingan ng tubig sa nasabing lugar. Isa din sa inirereklamo ng concern citizen ay kung bakit pa raw nagbabayad sila ng monthly bill gayung wala namang lumalabas na tulo ng tubig sa gripo sa bawat residenteng nasasakupan nito? Ginisa rin ang nasabing ahensya kung zero water service naman pala ay bakit kailangan pa magbayad ng minimum fee ang mga konsyumer nito?

Ayon pa sa mga nakapanayam ko sa Brgy. Paliparan 3 ay wala pa ring pagbabagong nagaganap sa suplay ng tubig sa kanilang lugar. Halos gapatak lamang ang inilalabas na tulo sa gripo o madalas pa nga WALA! Hindi na rin nila magawang ma-maintain ang kalinisan ng kanilang paligid o ang loob at labas ng bahay sapagkat kapos sila sa tubig. Aniya, nakakapag-imbak lamang sila ng tubig tuwing papatak ang ika 6:00 ng gabi, 12:00 ng hating-gabi at 2:00 ng madaling araw upang kinabukasan ay may magagamit pang-saing, pampaligo at panglaba. Madalas pa nga raw ay dumadayo pa sa ibang lugar ang karamihan makapag-igib lamang kahit pa itoy kanilang bayaran. Nagiging dahilan din ito ng pagkakasakit ng mga bata at pagka-stroke ng ilang matatanda.

Bukod dito, may mangilan-ngilang residente sa kalapit lugar din ang nakararanas na rin ng kawalan ng suplay ng tubig, ito ay ang mga sumusunod; Mabuhay Homes 2000 sa Paliparan 2, Paliparan 2 Elementary School, at ang Brgy. San Francisco 1 sa Dasmarinas Cavite.

Sinubukan ko ring kunan ng pahayag ang DWD sa kanilang tanggapan upang kumuha ng update sa serbisyo nila ngunit wala naman sa aking tumugon at kahit sa kanilang Facebook page account ay wala ring naging pagtugon. Hindi rin sapat ang pag-update nila sa kanilang social media account sa water interruption kung saan at kailan magakakaroon ng aberya.

Kung ganitong ahensiya o serbisyo ang mayroon tayo, paano na lamang ang mga konsyumer nito? Paano na lamang ang mga pumapasok sa kani-kanilang mga trabaho at ngayong papalapit na rin ang pasukan sa lahat ng antas partikular sa inyo pong nasasakupan? Paano na lamang ang mga nangangailangan din ng suplay ng tubig sa food industry, water refilling stations, at isama na rin ang public rest room, atbp? Paano na lamang po kung magkasunog sa inyong lugar (huwag naman po) at walang tubig na mapagkukuhanan ang ating mga firemen? Higit sa lahat Kelan po ba matatapos ang kalbaryo sa tubig sa Brgy. Paliparan 3 Dasmarinas Cavite?

Hindi po ba kayo nakararamdam ng pagkauhaw sa isyung kinahaharap ng inyong tangapan, DWD? O, sadyang lunok-laway na lang kayo at ayaw ninyong patirin ang uhaw ng mga nanunuyong lalamunan ng bawat kostumer ninyo? Umaasa po ang inyong mga ka-barangay na inyong matutugunan ang kanilang hinanaing upang sagayon ay makaramdam man lamang sila ng kaginhawaan sa maghapong tirik ang araw at mapanatili ang kanilisan ng kapaligiran kung tuloy-tuloy sana ang daloy ng tubig at hindi pamatid uhaw lamang. /DM

Published 05/28/2018

Photo credit to Google

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.