OPINYON

Sino nga ba ang dapat Hulihin? Sulyap sa Anti-Oplan Tambay ng PNP

Patuloy na dumarami pa ang bilang ng mga nahuhuling istambay gabi-gabi sa mga eskinita, mga nag-iinuman at nagyoyosi sa labas ng bahay bagito man o matanda walang kawala, nagvi-videoke sa dis oras ng gabi, mga nakahubad sa kalye o half naked, at ang mga naglalakad lamang pauwi sa kani-kanilang bahay na napagkakamalang istambay sa iba’t ibang lugar. Marami nang napaulat na mga kasong may kaugnayan sa ANTI-OPLAN TAMBAY ng PNP at ng Administrasyong Duterte.

Dahil sa ordinansang ito ay nagkakaroon ng kalituhan at pagkabahala ang mamamayan at ang mga eksperto sa idinudulot nito sa ating lahat. Aniya, hindi malinaw ang polisiya ng Anti-Oplan Tambay ng PNP kung sino ba ang dapat hulihin? May basehan nga ba sila para ma-identify kung sino ang huhulihin nila? Ano nga ba talaga ang layunin ng ANTI OPLAN TAMBAY POLICY?

Ang ANTI OPLAN TAMBAY ay isang kampaniya ng PNP at ng Administrasyong Duterte na sana dapat ay OPLAN RODY o “Rid the Streets Of Drinkers and Youth” kontra kriminalidad sa bansa. Isang ordinansang naglalayong mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng bawat komunidad o Barangay upang dakpin ang mga istambay na nagdudulot ng gulo Potential Troublemakers sa mga eskinita o kalye sa bawat madaraanan ng mga nagpapatrolyang mga Barangay Tanod at mga Pulis sa nasasakupang lugar mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw.

Ang sinumang mahuhuling nagtatambay sa dis oras ay agad na iimbitahan ng mga awtoridad upang tanungin, kakausapin at bigyan ng unang babala o first offense ang mahuhuling istambay. Kapag ito ay lumabag at muling naulit saka naman sila dadakpin ng mga awtoridad at kapag napatunayang ‘di mabatid ang dahilan kung bakit nagtatambay sa lansangan ay saka naman papatawan ng kaukulang kaso o parusa (regardless kung ano ang edad, kasarian o disposisyon mo sa buhay) at kung may kahina-hinalang ikinikilos ang nadakip na indibiduwal.

Sa totoo lang, may kanipisan ang legal basis ng ordinansang ito, maraming mga tanong na dapat linangin, tulad ng mga sumusunod; Lahat ba ng mahuhuling istambay ay istambay? Yung mga walang suot pang-itaas o half-naked sa harap ng bahay na nagpahangin lang, huhulihin ba agad? Paano ang mga nag-ooperate ng negosyo sa gabi o mga nagtatrabaho sa madaling-araw tulad sa palengke, mga nagdedeliver ng mga gulay at iba pang produkto na ang produksyon ay sa gabi lang? Yung mga inabot ng hating-gabi sa daan dahil kagagaling lang sa trabaho o sa simbahan at naglalakad pauwi sa kanilang mga tahanan habang bitbit pa ang banal na Bibliya, huhulihin din ba sila agad-agad? Paano rin yung mga nasa BPO Industry na ang pasok ay 9pm, 10pm, 11pm, makakapasok pa kaya sila kung huhulihin din naman? Isa pa sa nakababahala ay kung makitaan ng butas ito ng mga masasamang loob at magpanggap na sila’y kahanay ng kapulisan at ng Barangay, paano na lamang ang mabibiktimang walang laban? Higit sa lahat, ano ang proteksyon ng mga istambay sa mga pulis kung sakaling silay saktan, maysasaklolo kaya?

Bukod dito, iba-iba ang ikakaso kapag napatunayang isa kang istambay at dahilan ng kaguluhan sa inyong komunidad. Narito ang City Ordinance na maaring malabag ng sinumang mahuhuli; SP-85 o inuman sa kalye; CO 2623 o paghuhubad sa publiko; CO 26 o public smoking; CO 2301 o curfew; CO-SP 3730 o Anti-Barker Law at CO 512 laban sa “deadly weapons.”

Sa totoo lang, maganda ang layunin ng ANTI OPLAN TAMBAY Policy ng PNP kung sana ito ay naisasagawa ng maayos at hindi nagdudulot ng abala sa lahat at kumitil pa ng buhay ng inosenteng biktima (kung magkagyunman). Dapat nga magkaroon ng masinsinang usapan ang panig ng kapulisan at ang mga kawani ng Barangay. Huwag na sanang dumanak pa ang karahasan gaya ng mga nangyari sa nakalipas na mga taon dahil sa napakaraming ordinansang ipinipasa ng Administrasyong Duterte kesa tutukan ang masmahahalagang usapin sa bansa tulad ng sa kalusugan at iba pang mga dapat isabatas. /DM

 

Published date 07/23/2018

Photo credit to Google

Categories: OPINYON

Tagged as: , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.