Banner Story

NDRRMC RAIN FALL TEXT ALERTS, MAY PAKINABANG

Halos dalawang linggong pinalubog ng tatlong bagyong magkakasunod na dumaan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang buong Kamaynilaan at kalapit probinsya sa bansa na talaga namang nakaperwisyo sa lahat.

Sa pagtatala, ang mga bagyong nagdulot ng malawakang pagbaha ay ang; bagyong Henry (Hulyo 16, 2018); bagyong Inday (Hulyo 19, 2018) at bagyong Josie (Hulyo 22, 2018). Sa kasalukuyan, nakakaapekto pa rin sa bansa ang southwest monsoon o hanging habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at may namumuong kaulapan o cloud clutter na posibleng maging LPA ngunit hindi pa naman ito direktang nakakaapekto sa bansa.

Hindi naman nagpabaya ang PAGASA sa pagbibigay update sa lagay ng ating panahon at ang pagpapadala ng alerto o text alerts ng National Disaster Risks Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lahat ng mga network users kung saang partikular na lugar ang maaring bahain at magkaroon ng landslides.

Katuwang ng NDRRMC sa malawakang text rainfall alerts ay ang National Telecommunications Commission. Alinsunod sa Republic Act 10639 o ang Free Mobile Disaster Alerts Act, na pirmado ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III, na ito ay gawing mandato para sa lahat ng telecommunications companies sa bansa na makapagpadala ng free alerts sa oras ng sakuna o kalamidad partikular ang mga apektadong lugar sa bansa at mabatid ang mga huling kaganapan sa lagay ng panahon. Naisabatas ang Republic Act 10639 matapos manalasa ni bagyong Yolanda sa bansa noong 2013.

Dahil sa walang patid na pagpapadala ng text alerts ng NDRRMC sa publiko ay maraming netizens ang nakahugot ng iba’t ibang pickup lines tungkol sa pag-ibig. Hindi rin maiiwasan na may mga epal na netizens ang nagpo-post na hindi raw sila natutuwa sa text alerts ng NDRRMC dahil sa nakakaalarmang tunog o alert sound nito na inihalintulad pa sa incoming missile attack. Meron din nagsasabi na delayed daw kung mag-notify ang NDRRMC sa paparating na ulan.

Aniya, sampung minuto lang ang koordinasyon ng NDRRMC sa PAGASA, kung magkaroon man ng delay ay nasa pagpapadala ng alerto at depende rin iyon sa signal o phone settings. Nais din palawigin ng NDRRMC ang pagpapadala ng alerto sa iba pang media platform tulad sa TV at Radio networks.

Sa totoo lang napakalaking gampanin ng NDRRMC ang mabigyang alerto ang lahat sa banta ng sakuna o kalamidad sa bansa kung saan nga ba tayo ligtas magtungo at kung gaano nga ba tayo kahanda kapag tayo’y nalagay sa alanganin. Kaya huwag ipagsambahala ang text alerts ng NDRRMC upang nabantayanang ating seguridad at kaligtasan. /DM

Published in Diyaryo Pinoy (073018) RBM

Categories: Banner Story

Tagged as: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.