Marami sa ating mga kababayan ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay o walang sapat na kakayahang mapag-aral ang bawat miyembro ng isang mahirap na pamilya.
Dahil sa kawalan ng kakayahang makapag-aral, ang ilan sa atin ay nakagagawa ng masasamang gawain na maaring humantong sa pagkakabilanggo ng matagal na panahon. Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat para sa mga biktima o naging biktima ng iba’t ibang uri ng kriminalidad na kanilang kinasangkutan.
Dahil sa programang Alternative Learning System ng Department of Education ay nagkaroon ng ‘second chance’ ika nga, ang mga preso ng Manila City Jail na maituwid ang kanilang buhay at tapusin ang pag-aaral na hindi nila nagawa noong sila’y malaya pang namumuhay.
Kaya naman, halos walang mapaglagyan ang kasiyahang nadarama ng mahigit 600 inmates ng Manila City Jail na nagsipagtapos sa iba’t ibang vocational courses sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education.
Isang simpleng graduation ceremony na dinaluhan ng 617 na preso na ginanap mismo sa loob ng Manila City Jail noong huwebes, Agosto 23, 2018.
Ang tema ng graduation ay “Bringing the Mountain to Mohammed” o Eskwela sa Bawat Brigada dahil bawat brigada sa City Jail ay may enrollees sa ALS.
Kabilang sa mga kursong alok ng ALS para sa mga inmates ay ang hilot and wellness, tile setting, at pastry and bread making na kung saan ay tinuturuan sila sa mga kurso o skills napili ng bawat inmates na maari nilang magamit sa paglaya mula sa kanilang pagkakabilanggo. /DM
PHOTO CREDIT TO JOHNSON MANABAT
Categories: NASYUNAL