ESPESYAL

Tips para makaiwas sa mga Illegal Networking Scheme

Nitong nakaraang linggo ay muli na namang naging usapin ang diumanong illegal networking scheme sa ating bansa at ang apektado rin nito ay ang ilan nating mga kababayang OFWs.

Sa mga pagkakataong ito ay dapat tayong manigurado sa ating mga nais gawin kung paano nga ba tayo makakaahon sa kahirapan na walang inaagrabiyadong tao o indibidwal. Paano nga ba natin malalaman kung tayo ba ay nabiktima na ng mga illegal networking o pyramiding scheme na nag-aalok sa atin ng instant o easy money? Narito ang ilan sa mga tips na iligal ang networking company na iyong kinabibilangan;

Una, alamin kung may sariling opisina ba ang networking na nag-aalok sa iyo ng mapagkakakitaan at kung saan ang eksaktong business address nila? Alamin din kung sila ba ay rehistrado sa Security and Exchange Commission o (SEC). Maari ninyo naman ma-trace sila (illegal networking) sa pagbisita sa official website ng SEC at doon ay makikita niyo kung sila ba ay registered o kung hindi ka pa rin kontento ay magsadya sa SEC office mismo. Pero hindi lahat ng networking company na naka rehistro sa SEC ay masasabing legal na nag-ooperate. Mababatid pa rin yan sa status ng isang networking kung may mga matatanggap silang reklamo against illegal networking.

Pangalawa, kung ikaw ay naengganyo ng networking scheme na ito at handa ka ng mag pay-in para sa pag-asenso na iyong hinahangad sa buhay ay mangyaring huwag gagawa ng anumang transaksiyon sa labas na may kinalaman sa pera. Mainam na gawin ito sa loob ng kanilang opisina at humingi ng official receipt na nakadetalye roon ang kanilang office address, TIN, at iba pang impormasyon na magpapatunay na sila ay ligal.

Pangatlo, alamin kung ano nga ba ang pinopromote ng networking business o multi-level-marketing (MLM) na ito? Anong business model ang meron sila. Dapat nating mabatid kung ano ba ang focus ng business nila? Anong mga produkto ang maari mong maibenta? O kung hindi man tungkol sa pagbebenta ay kung ano ang layunin ng networking na ito? Magparami lang ba ng member o magpalaganap ng magagandang produktong makakatulong sa kalusugan at hanap-buhay ng tao? Mababatid mo na kung ang focus ng kanilang serbisyo ay pagrerecruit ng tao ay iligal yan. Mag-isip-isip ka na kaibigan. Pero kung may produktong iniaalok at ito ay para sa kalusugan ng tao at hindi puro synthetic products ay may maganda itong patutunguhan. Yung tipong walang kota (quota) na hinihingi, walang required amount ng inyong pagsali o walang membership fee. At hindi kitaan lang ang pag-uusapan kundi kung paano ba makakapag build up ng rapport between your customers and the product itself at hindi fly by night business.

Pang-apat, kung pinangakuan ka ng kikita ka sa kanila ng 30%-40% monthly, aba! Mapapaisip ka nga naman dito. Sa totoo lang, walang negosyante ang magbibigay ng ganiyang kalaking Return on Investment sa bawat indibidwal buwan-buwan. Isang kalokohan iyan at nagpapatunay lamang na ito ay iligal. Tandaan mo, huwag kang maniniwala na kaya ka nilang bigyan ng result in just a month, ito ay isang uri ng swindling o estafa na maaring maparusahan ang sinuman na lalabag sa ating batas. Ibigsabihin nito ay pera-pera lang ang habol nila sa inyo at hindi pag-asenso mo. Kaya laging tatandaan na, Walang manloloko kung walang nagpapaloko. (DM)

 

PUBLISHED DATE: 06.18.19

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.