NASYUNAL

Mandatory ROTC Bill sa Senior High, pinamamadali na ni Pangulong Duterte

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang pagsasabatas ng panukalang gawing mandatory ang Reserve Officers Training Corps o ROTC sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa.

Matatandaang nagpadala ng liham si Pangulong Duterte kay Senate President Tito Sotto nitong nakaraang lingo na nagsasaad na kaniya ng sinisertepikahan ang urgent bill o ang Senate Bill number 2232.

Ayon sa liham ng Pangulo, marapat lamang na ibalik sa mga paaralan ang basic mandatory military leadership training program upang mabuhay at mapaigting ang pagiging makabayan ng mga kabataan.

Samantala, suportado naman ng Philippine National Police na buhayin muli ang mandatory ROTC training program para sa Grade 11 at 12 senior high school. “We fully support the ROTC 100 percent. We need that. We are very small country. Of course, many are saying we are under threat so we might as well, let’s train our youth here.” Aniya ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde sa katatapos lamang na comment ground breaking ceremony sa National Capital Region Police Office (NCRPO) medical center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Pinagbotohan naman ng House of Representatives na may bilang 167-4-0 na pumapabor sa pagsulong ng nasabing programa matapos itong maipasa sa third and final reading ng House Bill 8961 nitong nakaraang buwan. Kalakip ng House Bill 8961 ang Republic Act 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act bilang ‘Citizen Soldiers’ noong Hunyo 27, 1991. Ang House Bill 8961 ay naglalayong i-ban ang hazing at iba pang uri ng mga karahasan o maling aktibidad sa mga paaralan na may kinalaman sa physical at mental abuse sa ating mga mag-aaral.

Ang mandatory ROTC training ay para sa mga estudyante mula Grades 11 at 12 Senior High School na dapat lamang na kumuha ng nasabing programa sapagkat bahagi ito ng kanilang requirement sa pagtatapos sa paaralan.

Bukod dito, meron din namang mga exempted na mag-aaral; ang mga estudyante na mayroong problemang physical at psychologically unfit; ang mga varsity players na piniling ilaban ng paaralan sa iba’t ibang larangang pang sports; at ang mga estudyanteng merong valid reasons na hindi maaring mag undergo ng ROTC training na dapat aprubado ng Department of National Defense at ayon na rin sa rekomendasyon ng paaralan kung saan naka-enrol ang bawat mag-aaral. Pinaaalalahanan naman ang lahat ng mga magulang na ang ROTC training program ay hindi para gamiting “political” objective o ano pa mang walang kaugnayan sa tunay na layunin ng nasabing programa.

Matatandaang taong 2002 nang gawing optional at voluntary ang ROTC, alinsunod sa National Service Training Program Act (NSTP). Ito’y matapos na magkaroon ng imbestigasyon na umusbong sa University of Santo Tomas na isang studyante ang pinatay matapos nitong isiwalat na may corruption na nagaganap sa nasabing programa. Ang ROTC training program ay para lamang sa mga college students noon na siya namang isinusulong para sa mga senior high school students ngayon. /DM

PHOTO CREDIT TO GOOGLE

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.