NASYUNAL

Dengue Outbreak

 

Matapos na magdeklara nitong Hulyo ang Department of Health (DOH) ng national dengue alert dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng nasabing sakit sa bansa.

Nakapagtala ang DOH ng mahigit sa 180,000 kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 29. Masmataas sa 85% porsiyento kumpara sa nakaraang taon.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng pagkakasakit at pagkamatay ng ilan nating mga kababayan sa Western Visayas, Central Visayas, Soccsksagen at Northern Mindanao. Kabilang sa mga rehiyon na lumampas sa “epidemic threshold” ang Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Northern Mindanao. Mahigpit din binabantayan ang ilang mga kalapit probinsya kabilang din ang Ilocos region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol region, Zamboanga Peninsula, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Cordillera region.

Kaya naman, ang Embahadang Tsino sa Pilipinas ay inabisuhan na mag-ingat sa epidemiko ng dengue sa Pilipinas alinsunod sa naitalang kaso ng mahigit 100 Tsino diumano’y nag-positibo sa dengue.

Kaya sa mga nakararanas ng pabalik-balik na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng mga kalamnan, pagkahilo, pagsusuka, at pamamantal sa balat ay mainam na magpakonsulta na sa inyong mga doctor. Kapag bumaba ang Platelet count o kung bumaba ang red blood cells at tumaas ang white blood cells ay maaring infected ka na ng dengue.

Kumusta ang inyong lugar? May dengue cases din ba sa inyo? Kung meron kayong nakitaan ng ganitong sintomas ay marapat lamang na sila ay ating tulungan upang mabigyan ng karampatang paunang lunas. Mangyaring mag-comment din sa baba kung may ganitong kaganapan sa inyong lugar upang ating mabigyang tugon ang kanilang mga pangangailangan sa tulong ng social media at ng inyong pakiisa. /DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.