KALUSUGAN

Immune System Palakasin ngayong Flu Season

Umaatake na naman ang iba’t ibang uri ng sakit sa ating paligid. Gaya ng simpleng ubo, sipon, lagnat at pananakit ng lalamunan.

Kadalasan nagsisimula ang ating pagkakasakit sa simpleng pagbahing o ‘sneezing‘ na maaring maipasa ang virus sa taong kausap o kaharap natin. Kapag ito’y naipasa sa iba panigurado may kasunod na ‘yan. Sisipunin ka na at uubuhin saka naman aatake ang lagnat (‘wag naman).

Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo o karamihan sa atin ay madalas nakararanas ng simpleng ubo at sipon?

 

MAHINANG RESISTENSYA.

Lumalabas ang sintomas ng ating pagkakasakit kapag ang ating immune system ay mahina. At dahil sa mababa o mahina ang ating resistensya ay mabilis na kakalat at magtatagal ang virus sa loob ng ating katawan kapag ito ay hindi maagapan.

Ayon sa pagaaral ng mga eksperto sa family medicine, ang simpleng ubo at sipon ay maaring tumagal ng 7 hanggang 10 araw. Ngunit kapag ito ay tumagal ng mahigit 2 o 3 linggo ay maaring inffected ka na ng flu o virus. Hindi biro ang pabalik-balik na pag-ubo at sobrang kapit ng plema na siyang nagiging dahilan kung bakit ka hirap huminga.

 

SINTOMAS NG WEAK IMMUNE SYSTEM.

Kapag weak o mahina ang ating immune system ay agad kakapit ang virus sa ating katawan na maaring makasira ng ating immune system. Ilan sa mga posibleng sintomas nito ay ang;

*Pamamaga ng internal organs natin ‘inflammation of internal organs

*Anemia o ‘blood disorders or abnormalities’

*Digestive issues gaya ng pagkawalang ganang kumain ‘loss of appetite’, diarrhea, and abdominal cramping.

 

Mga Paraan Upang Makaiwas sa Flu.

Fluid is Life. Maraming mga paraan para labanan ang Flu o lagnat. Higit na epektibo ay ang pag inom ng 8 – 10 basong tubig kada araw. Dahil prone tayo sa iba’t ibang viruses sa paligid, dapat tayo ay umiinom ng tubig ng madalas. Alkaline base dapat at hindi tap water.

Take Vitamins Daily. Palakasin ang immune system sa pagte-take ng vitamins na mayaman sa mineral, potassium at magnesium upang mapalakasan ang resistensya.

Organic Herbal can cure Illnesses. Kung walang kakayahang bumili ng mga vitamins sa botika may mga alternatibong pamamaraan naman. Gaya ng pagdikdik ng oregano, at lagyan ito ng katas ng kalamansi sabay inom. Pwede ring magpakulo ng tanlad, luya at dahon ng lagundi na maaring gawing inumin basta palamigin lamang ito. Nakakatulong ang mga organic herbal sa ating katawan upang maiwasan ang anumang uri ng sakit sa paligid tulad ng ubo at sipon.

Ugaliing kumain ng Prutas. Ang prutas ay may taglay na kakayahang magpaganda ng ating mga kutis at sa ating kalusuganAng pagkain ng prutas ay nakatutulong din sa ating digestive system upang mapaganda nito ang ating panunaw at mailabas ang mga toxic sa ating katawan. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang mahal ng prutas sa merkado? Dahil sa kahit anumang aspeto ng negosyong may kinalaman sa gulay at prutas ito rin ang nagiging pangunahing sangkap nila. Kaya kung ikaw ay may ubo, sipon at makapit na plema mainam na kumain ng mga prutas tulad ng lemon, bayabas at dalandan. Isama pa natin dito ang mansanas, guyabano at mangosteen. Para 100% Immunized tayo!

KUMONSULTA SA DOCTOR. Kung ang simpleng ubo, sipon at plema ay hindi naaalis sa iyong katawan ay mainam na magpa-konsulta na sa iyong attending Physician. Baka kailangan mo ng mag antibiotic at mapatay ang virus sa loob ng iyong katawan na siyang sumisira ng iyong immune system. Ito’y simpleng paalala lamang na kapag iyong pinabayaan ay tiyak! Ikaw din ang mahihirapan. /DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.