Mga Paalala para makaiwas sa banta ng Ashfall sa ating Kalusugan
Narito ang ilang mga paalaala para makaiwas sa masamang banta sa ating kalusugan kapag ating malanghap ang abo o ashfall dulot ng pagsabog ng Bulkan sa nasasakupan nito;
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!1. Ugaliing gumamit ng dusk mask o face mask gaya ng N95 upang maiwasang makalanghap ng abo o ashfall sa labas.
2. Basain ng bahagya o gumamit ng mamasa-masang kurtina sa inyong mga bintana para hindi pasukin ng abo ang loob ng inyong mga tahanan dala ng hangin. Panatilihing naka sarado ang mga bintana at pinto.
3. Kung na-expose ng matagal ang mga pagkain gaya ng prutas habang umuulan ng abo sa paligid, mainam na hugasang mabuti ito bago kainin.
4. Gumamit ng food bag o iba pang klase ng food ware or food cover upang mapanatiling malinis at maiwasan ang pagkasira ng mga pagkaing inyong maiimbak gaya ng mga delata at iba pang pagkaing hindi madaling mapanis.
5. I-charge ang inyong mga gadget partikular na ang inyong mobile phone upang magamit sa pakikipag-usap sa inyong mga kapamilya.
6. Kapag makapal na ang ashfall ay huqag ng magtangkanv lumabas pa. Manatili na lamang sa loob ng tahanan at manood o makinig ng mga balita sa huling kaganapan sa inyong mga lugar.
7. Panatilihing nakasara ang mga takip ng inimbak na tubig upang hindi makaapekto sa ating kalusugan at sa paglilinis ng mga gamit at pinagkainan.
8. ‘Wag gamitin ang swiper ng sasakyan para alisin ang abo. Maaring makaasira ito o magasgasan ang windshield kapag dumadampi ito sa salamin.
9. Kung sakaling makapal na ang abo sa harap o labas ng inyong bahay ay mainam ito’ng buhusan ng tubig at walisan ng dahan-dahan. Gumamit pa rin ng dusk mask o basang bimpo para hindi makasinghot ng alikabok.
/End
#TaalVolcano #Batangas #VolcanicEruption
January 12, 2020
*Photos credit to google