
“Let’s Help the People of Taal through our Generosity”
“LET’S HELP THE PEOPLE OF TAAL THROUGH OUR GENEROSITY” ay isa sa mga kampanya ng Diyaryo Milenyo upang magsilbing gabay at kamay ng mga nagnanais tumulong sa mga kababayan nating nasalanta ng abo o ashfall ng pagsabog ng Bulkang Taal nitong nakaraang Lingo (Enero 12, 2020).
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sa pakikiisa ng mga residente ng Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite ay maipaparating natin ang ating tulong para sa mga evacuees sa Batangas City.
Sa mga nagnanais tumulong ay mangyaring makipag-ugnayan kay CAROL BORBE ALCANTARA o @princesscarolborbealcantara upang maiparating natin ang ating pagmamahal, simpatiya, at pagmamalasakit sa kahit ano’ng bagay na makatutulong sa ating mga kababayang nalubog sa abo sa buong lalawigan ng Batangas at karatig probinsya dito.
Maaari po kayong makapagbigay ng ilan sa mga sumusunod:
– Dusk mask o face mask
– Canned good, cup noodles, biscuits
– Towel, Blankets, Hygiene, Clothes
– Tubig o mineral water
– Flashlight, battery, at iba pang mga pangunahing pangangailangan para magamit ng mga evacuees.
Manatiling updated sa mga huling kaganapan sa nangangalit na Bulkang Taal o i-follow kami sa aming official facebook page. Ingat po tayo mga kaMilenyo.