TOTAL LOCKDOWN na ang ilang mga lugar sa Batangas kabilang dito ang Lemery, Agoncillo, Laurel, San Nicolas, at Talisay. Maging ang lalawigan ng Cavite ay idiniklara na ring State of Calamity.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Nangangahulugan ito na papalapit na tayo sa malaking posibilidad na anumang oras o araw ay puputok na ng tuluyan ang Bulkang Taal na maaring makaapekto sa buong CALABARZON, NCR, at Metro Manila.
Sa katatapos lamang na Prescon ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS nitong hapon, Enero 15, 2020. Aniya, nakapagtala na ang kanilang ahensya ng 520 volcanic earthquake at 169 dito ay talaga namang naramdaman ang pagyanig ng lupa at nasira ang ilang mga establisimiyento at mga kabahayang dinaanan ng pagyanig ng lupa o lindol. Sa kanilang pagtatala mula kaninang 5:00 AM ng umaga hanggang 4:00 PM ng hapon ngayong araw ay nagkaroon muli ng karagdagan na 53 volcanic earthquake o pagyanig ng lupa at 12 dito ay nasa intensity 1 hanggang intensity 3.
Sa pakikipagtulungan ng United States Geological Survey o USGS sa PHIVOLCS ay kanilang mas nakita ang lagay ng main crate na nag-vaporized ang tubig sa lawa ng Bulkang Taal kung kaya’t nagkakaroon ng panunuyo ang buong lawa. Ilan sa mga ispekulasyon ay ang pagkakaroon ng underwater fissure o pagkakabitak-bitak ng lupa sa ilalim ng lake at sa mga karatig lugar na kung saan ang mga lupa ay nagkakaroon din ng malalaking bitak dahil sa matinding pag-init ng Bulkang Taal. Kung sakaling magpatuloy ang panunuyo ng lake at ang pag-aalburoto ng Bulkan ay nangangahulugan lamang ito na malapit ng maglabas ng “pyroclastic currents” o isang delikadong paghalo ng steam, gas, at ash o abo.
Dahil dito, walang makapagsasabi kung hanggang kailan hihinto ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal na kahit ang mga ahensyang ito ay nahihirapan ding ma-distinguish o tantiyahin ang pabago-bagong kondisyon ng Bulkang Taal. Aniya ng ahensya, kung sakaling bumagal o magtagal pa ang paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan ay may posibilidad din na magtagal pa ito ng pitong (7) buwan bago tuluyang sumabog. Kaya minabuti na ang lahat ay lumikas na habang hindi pa ito tuluyang sumasabog. Mariin ding pinagbabawalan na ang lahat ay hindi na maaaring makalapit ng 14 kilometers radius mula sa main crater ng Bulkang Taal.
Sa mga ganitong kalagayan ng ating pakikibaka sa hamon ng kalikasan ay wala tayong magagawa kundi paigtingin ang ating pananampalataya at ang pag-asang makabangon muli ang bawat nasalanta o masasalanta sa atin. Karamihan sa ating mga alagang hayop ay namatay, mga puno’t pananim ay tuluyang nilamon ng abo at nangamatay, ang mga kabahayaan ay nilamon din ng abo at nabuwag ng lindol, at ang mga kabuhayang pinagkakakitaan ay tuluyan na ngang nawala ng parang bula at wala tayong katiyakan sa kung ano’ng naghihintay sa ating lahat at sa hinaharap. Kundi, ang mataimtim nating pagdarasal at pagtutulungan. (DM)