Bagtasin Pilipinas Mountaineers, nakiisa sa Taal Batangas

Read Time:1 Minute, 6 Second

Nakiisa sa pamamahagi ng tulong ang grupo ng mga kabataang mountaineering o ang Bagtasin Pilipinas Mountaineers (BPM) sa Cuenca Central Elementary School Batangas sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, Enero 12, 2020.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

FB_IMG_1579445739408

Isa sa mga adhikain ng BPM ay maipaabot ang mga donasyong kanilang nalilikom mula sa mga nagtitiwala at nakikisimpatiya sa kanilang paglilingkod sa mga kababayan nating naapektuhan ng ganitong uri ng kalamidad.

Sa katunayan, limang taon nang tumutulong ang Bagtasin Pilipinas Mountaineers sa iba’t ibang lugar o komunidad na kanilang pinupuntahan.

FB_IMG_1579445756084

Ang Bagtasin Pilipinas Mountaineers ay nagsasagawa ng mga outreach program, tree planting at ang pagtulong sa mga kabataang mag-aaral na hindi napupuntahan ng ilan sa atin dahil ang mga paaralang ito ay nasa kaloob-looban pa ng mga kabundukang kanilang inaakyatan.

received_580317259485709

“Hindi lang sa pag-akyat ng bundok nagsisimula at natatapos ang aming kasiyahan at hindi sa mga tanawin nito kundi sa mga tao’ng alam namin na nangangailangan din ng tulong at dapat bigyang pansin sa oras ng mga kalamidad. We work as One kumbaga.” pahayag ni Mark Allen Santos, isa sa mga Organizer at aktibong miyembro ng Bagtasin Pilipinas Mountaineers.

Aniya, ipagpapatuloy ng grupo ang kanilang sinimulang adhikain at mga aktibidad na nagbibigay kasiyahan sa bawat isa at sa mga naaabutan ng kanilang tulong.

FB_IMG_1579445749697

[Ni Rex B. Molines | Photos from: BAGTASIN PILIPINAS MOUNTAINEERS]

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Tripleng Sahod sa Abril 9!
Next post Pista ng Sto. Niño at Simbolo ng Kristiyanismo

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d