
Pista ng Sto. Niño at Simbolo ng Kristiyanismo
Ipinagdiriwang ngayon ang Kapistahan ng Sto. Niño sa ating bansa. Ang Santo Niño ay representasyon ng pagiging ganap nating kristiyano sa pagkilala sa imahe ng banal na sanggol na si Hesukristo. Ito rin ang naging pangunahing Santo-patron ng lalawigan ng Cebu.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Sa kasaysayan nito, nagsimula ang lahat sa panahon ni Ferdinand Magellan ng sapitin ng hanay ng Espanyol ang pananakop ng tripulanteng Portuges ang Pilipinas at ialay sa atin ang imahe ng Sto. Niño na yari sa kahoy at inukit ng mahusay na artistanong Flemish na sumisimbulo ng pagbibinyag bilang kristiyano. Ginanap ang unang misa sa Limasawa timog bahagi ng Leyte noong 1521. Sa makatuwid, nasa 499 taon na ang nakalilipas buhat ng tayo ay maging ganap na Kristiyano.
Sa mga hiwagang ipinakita ng Sto. Niño, mababasa rin ang himala nito sa libreta na pinamagatang Milagros del Santo Niño at Sermone Misticas.
Mayroong labing limang Pista ng Sto. Niño sa iba’t ibang lugar sa ating bansa na idinaraos tuwing ikalawa at ikatlong linggo sa buwan ng Enero. Ang ilang pinakasikat dito ay ang Pista ng Ati-Atihan sa Aklan, Sinulog sa Cebu, Dinagyang at Binanog sa lalawigan ng Ilo-Ilo.
Kaya naman, hindi matatawaran ang ating debosyon sa mahal na Santo Niño o ang batang Hesus sa kaniyang kadakilaan at kaluwalhatian. Atin pa nga ito’ng binibihisan ng kung ano mang ibinabagay natin dito at may kani-kaniyang mga bansag pa nga; Sto. Niño’ng gala o dela Paz, de bombero, de pulis, at ang pinaka bago ngayon ay Sto. Niño de basket-bolista. Hindi na ito nakakatuwa. Kaya pinaalalahan ng Simbahang Katolika na huwag nating lalagyan ng lebel o pangangalanan ng ano pa mang bansag sapagkat ito ay hindi kaaya-aya sa ating Pagka-Kristiyano at hindi ano pa ma’ng katawagan sa ating Mahal na Sto. Niño. Viva Pit Senior! /DM