Read Time:1 Minute, 58 Second

Tilapia, Bangus, at Tawilis ilan lamang sa mga klase ng isda na matatagpuan sa Taal Lake Batangas.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Isa sa klase ng mga isda na lubos na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal ay prosuksyon ng Tilapia na talaga namang ikinatakot din kainin ng nakararami sa atin.

FB_IMG_1579616545678

Kahit may mga napabalitang hindi umano maaring kumain ng Tilapia na mula sa Taal Lake. Mariin namang pinabulaanan ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Department of Agriculture na ligtas kainin ang mga tilapia at iba pang mga isdang galing sa Taal Lake basta sariwa pa ito at buhay pa.

Kaya naman, para makabawas sa mga alalahanin ay naglaan ang Diyaryo Milenyo ng isa sa nakakaganang putahe para maibsan naman ang mga pangamba’t agam-agam at ang ating kagutuman sa aming ihahain para sa ating mga kababayang nami-miss na ring ulamin ang Tilapia. Isa sa mga napakasarap na luto nito ay ang Sinanglay na Tilapia.

Ano nga ba ang Sinanglay na Tilapia? Ang putaheng Sinanglay ay isang Tilapia dish na niluto sa gata ng niyog.

Ayon sa mga nakakaalam ng lutuing ito ay nagmula raw ang Sinanglay na Tilapia sa probinsyang Bicol at isa ito sa masasarap at paboritong ulamin ng mga Bicolano.

Sa pagluto ng Sinanglay na Tilapia o ginatang Tilapia  sa Tagalog ay kailangan lamang nating ihanda ang mga sumusunod na sangkap; siyempre ang Tilapia, Sibuyas na puti, Kamatis, Siling haba, Bawang, Luya, Mantika, Pamintang durog, Gata ng niyog, Bagoong alamang, Chicken broth, at Pechay Tagalog.

Bago lutuin, kailangang linising mabuti ang Tilapia. Masmainam kung ang nabiling Tilapia ay fresh o buhay pa. Kung nalinis na ang Tilapia, at natanggalan na ng mga laman-loob ay palamanan ito ng sibuyas na puti, kamatis at siling haba o siling pang sigang. Isalang sa mantika ang sibuyas, bawang, kamatis, at luya. Tantiyahin ang tubig na ilalagay, maari nang isabay ang chicken broth, at pamintang durog. Sa pagkulo ng tubig, ilagay na ang tilapia na may palaman sa loob. Ilagay ang gata ng niyog kapag malapit na itong maluto. Saka naman ilalagay ang bagoong alamang, siling haba, at pechay Tagalog. Finally! Maari nang i-serve ang Sinanglay na Tilapia.

FB_IMG_1579616559146

Marami pang putahe ang maaring lutuin sa Tilapia, gaya ng Pinaputukang Tilapia, Sweet and Sour Tilapia, Baked Tilapia with Grilled Pineapple Salsa, Beer Buttered Tilapia, at marami pang iba. /DM.

*Photo credit to Google

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post COMELEC VOTERS REGISTRATION begins Today
Next post Banta ng 2019-nCoV

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d