ISULAN, Sultan Kudarat — Pinuri ng mga “Salesclerk” ng isang sikat na shopping mall sa General Santos City si Engr. Irl Kristian Gulmatico ng DPWH-Sultan Kudarat 1st District Engineering Office (SK1stDEO) sa pagiging “honest” nito.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sabi ng mga empleyada, dapat lang na purihin ang nasabing inhenyero dahil sa magandang ginawa nito. Ano ba ang ginawa niya?
Noong Disyembre 15, 2019, pumunta si Engr. Gulmatico sa SM City sa General Santos City para bumili ng jacket sa paborito nitong kompanya na “BENCH.”
Habang naghihintay na kanyang turno para magbayad sa cashier, bigla na lamang lumindol ng malakas.
Tumakbo ito palabas ng SM at hindi nito namalayan na nabitbit nito palabas ang “BENCH” na jacket dahil sa matinding kaba.
Ayon sa report, ang nasabing lindol na may 6.9 magnitude ay may kakayahang magpa-panic sa kahit sino dahil sa lakas nito.
Si Engr. Gulmatico ay “fan” ng kompanyang-BENCH.
Sa kanyang FB account, sinabi ni Engr. Gulmatico na “nadala nako last time nga wala nabaydan tungod sa kakulba haha gibalikan nako para wala koy utang (nadala ko last time na hindi nabayaran dahil sa sobrang kaba haha binalikan ko para wala akong utang).”
Noong January 3, 2020, or pagkatapos ng 18 days, bumalik si Engr. Gulmatico sa SM City sa General Santos City at lumapit sa isang cashier at sinabihan ito na “babayaran ko itong jacket na nadala ko palabas last December 15 dahil sa earthquake.”
Nabigla ang cashier sa narinig at ngumiti kay Engr. Gulmatico. Kaagad niya itong inasikaso.
Ang nasabing akto ni Engr. Gulmatico na pagbayad sa jacket noong kasagsagan ng lindol ay umani ng mga papuri sa mga salesclerk ng SM.
Habang papaalis na ito, narinig pa nito ang iba na nagsasabi na “gwapo na siya honest pa.”
Hindi nila alam na siya ay isang government engineer. Hindi nila alam na siya ay ang Presidente ng rank and file na mga empleyado ng Sultan Kudarat 1st District Engineering Office (SK1stDEO) ng DPWH sa probinsya ng Sultan Kudarat. (RAMIL BAJO)
Words by RAMIL BAJO
Published in Diyaryo Milenyo
Photo credit to ENGR. IRL KRISTIAN GULMATICO
SM City Salesclerks sa Gen San pinuri ang isang Engineer ng DPWH sa Pagiging “Honest” Nito