Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang Public Health Emergency for International Concern o Global Health Emergency dahil sa lumulobong bilang ng mga nagpositibo sa new coronavirus o Novel Coronavirus (2019-nCoV) sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon sa mga eksperto, matatagalan pa raw makadiskubre ng anti vaccine para sa novel coronavirus. Tinatantiya ng mga eksperto na aabutin pa ng 20 buwan o mismo sa 2021 pa ito magiging available. Batid naman natin na hindi na ito mapipigilan pa o inevitable na ang pagkalat ng 2019-nCoV sa buong mundo. Pero dapat meron din tayong ginagawang aksyon upang labanan ang epidemiyang ito. Ano nga ba ang mga pamamaraan para mapanatili nating malakas ang ating mga resistensya o immune system?
1. Uminom ng 8-10 Basong Tubig
Ang tubig ay buhay. Pinagaganda ng tubig ang sirkulasyon ng ating dugo at nagpapaganda ng ating kutis. Ang tubig ay siya ring nagdedetox o naglilinis ng dumi sa ating katawan upang hindi tayo ma-dehydrate.
2. Huwag Patuyuin ang Lalamunan
Hangga’t maaari ay huwag natin patutuyuin ang ating mga lalamunan. Sapagkat, mabilis itong kapitan ng virus na ating malalanghap sa paligid. Mainam na uminom ng warm water o maligamgam na tubig ng bahagya kung may pangangati sa ating lalamunan. Kung kinakailangang uminom o mag gargle pangontra sa kati ng lalamunan ay mainam itong gawin at huwag hintayin pa’ng makapitan ng bacteria.
3. Mag Take ng Vitamins
Isa sa mga dapat natin isaalang-alang ay ang pag-inom ng vitamins. Nakakatulong ang vitamins upang ma-immunize ang ating katawan. Pangontra ito para hindi tayo kapitan ng iba’t ibang sakit na makukuha natin sa ating paligid.
4. Kumain ng mga Green leaf o Gulay, at Prutas
Ang pagkain ng gulay ay nakatutulong upang mapanatili nating maganda ang ating pangangatawan. Isa sa mga nirekomenda ng Department of Health ay ang pagkain ng Malungay.
Maraming benepisyo ang maaring makuha sa Malungay o Moringa Oleifera. Ilan dito ay ang panlaban sa cancer, anemia, flu, diarrhea, skin infections, marupok o mahinang kasu-kasuan, at pampadagdag ng gatas sa nagpapadedeng ina. Ang Malungay ay mayaman ng pitong beses sa Vitamin C, 4 na beses sa Vitamin A, at Calcium, 2 beses sa protein, 3 beses sa Iron at Potassium. Kaya naman tinawag itong “Miracle Tree”.
Gaya ng isang sikat at mapagkakatiwalaan pagdating sa pagpapalakas ng immune system for more than 18 years in service, ang First Vita Plus.
Ang FVP ay nagbibigay proteksyon upang mapangalagaan natin ang ating kalusugan kasabay ng proper diet at pag-inom ng ating mga niresetang gamot. Wala itong side-effect, at no contraindication. Gawa sa limang (5) klase ng gulay o ang tinatawag nilang 5 Power Herbs at may iba’t ibang variants o flavors na available; Dalandan, Melon, Guyabano, Pineapple, at Mangosteen. Isa sa mga pangunahing sangkap ng FVP ay ang Malungay. Kabilang din dito ay ang Dahon ng Sili, Kulitis o Uray (Philippine spinach), Saluyot, at Talbos ng Kamote.
Ang FVP variants ay eksklusibong mabibili lamang sa mga designated product centers at registered dealers nito. Para sa may mga katanungan at gustong uminom ng produkto ng FVP. Maari ninyong tawagan ang numerong 0908-394-0474 at hanapin si Mr. James Escalante, registered Dealer, Business & Health Consultant.
5. Mag-Exercise
Hindi sapat ang pag take ng mga vitamins at proper diet kung hindi rin naman tayo nag-eehersisyo. Isabay natin ang pag-ehersisyo kahit 15 minutes lamang bago magsimula ang ating araw.
6. Iwasan ang pagpupuyat
Maaring makaapekto sa ating produktibo ang madalas na pagpupuyat. Maglaan ng sapat na oras ng pagtulog upang hindi ka lantang gulay sa iyong mga ginagawa at hindi kapitan ng sakit.
7. Lutuin ng maigi ang mga karne
Sa paghahanda ng pagkain, siguraduhing nalinis ng mabuti ang mga karne, isda o gulay para maiwasan ang mga bacteria na maaari nating makain at makasama sa ating panunaw o tiyan. Hangga’t maaari, umiwas sa mga matataba, at mamantikang pagkain.
8. Iwasan ang matataong lugar
Kung hindi naman importante ang inyong mga lakad ay maaring huwag na muna itong puntahan. Lalo na sa mga lugar kung saan ay may mga naitalang kaso ng 2019-nCoV sa bansa na hindi naman talaga inaanunsyo ng mga otoridad. Dahil iniiwasan ang pangambahing maaring idulot nito sa lahat.
Base sa mga datos na aming nakalap patungkol sa 2019-nCoV. Halos 2% lamang ang posibilidad na nagpositibo sa virus na ito. Kahit na marami ang binabantayang pasyente na hindi naman naiuulat ang bilang ng mga nag negatibo sa 2019-nCoV. Sadyang masyado lamang tayong nakatuon sa mga naitatalang bilang ng mga namamatay sa nCoV.
Nakahahawa lamang ang novel coronavirus kung ang mga pasyente ay may katandaan na at may history ng iba pang mga sakit gaya ng diabetis, at pneumonia, maari rin kapitan ang maliliit na bata, at ang mga mahihina ang resistensya o immune system.
Bagama’t wala pa namang naitalang kaso ng mga Pinoy na nagpositibo sa nCoV ay pinag-iingat pa rin ang lahat lalung-lalo na ang mga nakatabihan ng mga pasaherong nagpositibo sa 2019-nCoV na posibleng maipasa ang virus sa iba. Kaya hindi dapat tayo mabahala. Ang kailangan lang nating gawin ay mas mapalakas pa ang ating immune system, maging positibo sa buhay at mag-doble ingat sa ating mga kinakain at maging malinis sa ating kapaligiran. /DM
*Photo credit to Google