MAGUINDANAO, Philippines — Alam ba ninyo na ang batang alkalde ng bayan ng Datu Abdullah Sangki, or mas kilala sa tawag na “DAS,” ay naghahanap ng mga paraan upang magkaroon ng maraming mga proyekto ang munisipyo nito para ipakita at ipadama sa mga mamamayan ng DAS na talagang kumikilos ito para sa kaunlaran at kapakanan nila.
Kamakailan lang, napag-alaman ng DIYARYO MILENYO na inikot ni Mayor Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu ang Senado para magpasalamat at makipagkita sa mga senador upang makahingi ng mga proyekto para sa DAS.
Hindi naman nabigo si Mayor Mangudadatu sa kanyang hangarin dahil may apat na mambabatas ng Senado ang nagbigay ng mga proyekto para sa kanyang bayan.
Ang nasabing mga mambabatas ay sina Senator Migz Zubiri, Senator Sonny Angara, Senator Nancy Binay at Senator Bong Go.
Personal na pinasalamatan ni Mayor Mangudadatu ang apat na mambabatas sa pagbibigay ng mga proyekto para sa kanyang bayan.
Ang nasabing mga proyekto ay ang covered court, two-storey youth development center building, cultural building, two-storey peace and development center building at 5 classrooms.
Ayon kay Mayor Mangudadatu, ang nasabing mga proyekto ay suporta ng apat na mga mambabatas sa kanyang programa na “Sangkad Ka DAS Initiative.”
Iginiit ni Mayor Mangudadatu na kinakailangan siyang magpasalamat sa nasabing mga mambabatas dahil ang pagpapasalamat ay repleksyon ng isang tao na nagpapasalamat sa Diyos at isang tao na marunong tumanaw ng utang na loob.
“The Prophet Muhammad SAW said that one who does not thank people, does not, in fact, thank God. I take this opportunity to show our sincerest gratitude to these esteemed senators who made it possible for DAS to become the leading municipality in the Bangsamoro Region,” sabi ni Mayor Mangudadatu.
Si Mayor Datu Pax Ali ay panganay na anak nila Sultan Kudarat Governor Datu Suiharto T. Mangudadatu at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu. Siya ay apo ni ex-Sultan Kudarat Congressman at Governor Sultan Pax Mangudadatu. (RAMIL BAJO)
Words by Ramil Bajo
PHOTO CREDIT TO MAYOR DATU PAX ALI SANGKI MANGUDADATU
Published in Diyaryo Milenyo