
PNP-ACG vs. Fake News Posts sa 2019nCoV ARD sa Bansa, may karampatang Parusa
Sa Press briefing ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP – ACG) ay pinasinayaan nitong Miyerkoles (Pebrero 5, 2020) ni ACG Captain Jeck Robin Gammad na kanilang tinututukang mahuli ang anim (6) na social media posts na nagpapakalat ng diumano’y mga fake news patungkol sa lumalaganap na novel coronavirus acute respiratory disease o (2019-nCoV ARD) sa bansa.
Aniya, kanilang masusing iba-validate ang nasabing mga accounts na nagpapakalat ng fake news sa naturang virus sa bansa. Gaya ng napabalita sa Alabang, na kapag ito ay kanilang makumpirma sa Ospital na fake news ay agad nilang (PNP-ACG) ipapasara o tuluyan ng i-take down ang mga account sa Facebook Philippines upang hindi na muling kumalat pa at magdulot ng matinding pangamba o pagka-panic sa kalusugan at kaligtasan ng mga taong nakabasa o makakabasa pa lang sa nasabing fake news sa social media.
Saad pa ni Gammad, madali nilang makikilala ang mga nagmamay-ari ng nasabing nagpapalaganap ng fake news posts. Hindi na nila ito papayagan pa na lumaganap at magdulot muli ng kalituhan sa taumbayan.
Dahil dito, kapag kanilang madakip ang mga taong nasalikod ng fake news na ito ay papatawan nila ito ng karapatang parusa o dapat managot sa batas.
Ilan sa mga kakaharaping kaso ay ang Presidential Decree no. 90 o Declaring Unlawful Rumor-Mongering and Spreading False Information, at ang Labing-dalawang (12) taong pagkakabilanggo kapag mapatunayang na-violate ang Cybercrime Prevention Act of 2012 o ang Article 154 of the Revised Penal Code in a relation to Section 6 of RA 10175 or Anti-Cybercrime Law. /DM
*Photo courtesy to Google