Read Time:1 Minute, 57 Second

Hindi na natin iisa-isahin pa ang mga alegasyon o mga paglapag ng isa sa pinakamalaking TV Network sa bansa, ang ABS-CBN sa mga kinakaharap nitong kasong isinampa laban sa kanila.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Bagama’t hanggang sa ika 30 ng Marso taong 2020 na lamang ang pag-ooperate ng ABS-CBN sa mas umiinit pa na usaping patungkol sa hindi pagpapa-renew ng prangkisa sa ABS-CBN ay tila ba nakahugot pa ng lakas ang Kapamilya Network sa lahat ng patuloy na sumusuporta dito.

Hindi naman sa pagiging bias o ano pa man. Marami talaga ang nagmamahal sa Kapamilya Network dahil sa dekalibre at dekalidad ang mga programa at mha Artista ng Kapamilya na masasabing may koneksyon sa masang Pilipino.

Gaya nga ng nasabi ko, walang patid ang mga patuloy na nagtitiwala sa kakayahan ng Kapamilya Network na kung tutuusin ay halos 85% magmula sa mga Kongresista, Senador, mga Artista, at mga Reporter sa iba’t ibang TV and Radio Network ay nakikiisa din na mabigyang pagkakataong ma-renew ang prangkisa ng ABSCBN. Maging si Regine Velasquez ay nanawagang pagbigyan ang mga taong nasa likod ng TV Network na lubos na maaapektuhan. Mga panawagan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang usapin ay hindi na tungkol sa una nang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa hindi pagpapalabas ng kaniyang Paid Ads noong panahon ng kampanya. Ngayon naman ay ang mga alegasyong paglabag ng Kapamilya Network patungkol sa pay-per-view na diumano’y kanilang pinagkakakitaan ang mga shows sa KBO at iba pang programang napapanood sa iwanTV na taliwas sa dokumentong kanilang hawak.

Hindi na natin papangalanan pa ang mga nagnanais magpabagsak sa Kapamilya Network. Ngunit kailangan pa rin itong harapin at magpaliwanag sa Kongreso o sa batas ang Kapamilya Network upang mabatid ng lahat na sila ay walang nalabag na batas. Kung magkaganun man, marami ang mawawalan ng hanap-buhay lalung-lalo na ang mahigit 11,000 Empleyado at mga Artista nito.

Wala po kami’ng ibang hangad kundi ay kung ano’ng makabubuti para sa lahat at hindi matulad ang ibang TV Network sa bansa na ang hangad ay kumita lamang  at hindi ang pagbibigay ng sapat at makatarungang serbisyo at benepisyo sa pagitan ng TV Network, Consumers nito at ang mga Audience na may malaking contribution sa panonood ng mga TV programs ng KAPAMILYA NETWORK. / TINIG NI REX MOLINES

 

Photo credit to Google/ABSCBN

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Mayor Ecija says “LGBT members deserve to be loved and cared”
Next post IN FOCUS: Is the Ongoing Legalization of Divorce a Sign of the Progressiveness of the Philippine Society?

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d