Read Time:4 Minute, 28 Second
IMG_20200216_201400_741

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa mga mahilig kumain diyan at depress sa love life. Baka naman napapabayaan niyo na ang inyong mga sarili sa kusina. Hinay-hinay lang baka ikaw ay mapasubo ng husto at ‘di mo na namamalayang lumulobo ka na pala.

IMG_20200218_002707

Kaya naman, naghain ang DIYARYO MILENYO nang isa sa mga very challenging diet method upang ating mapangalagaan ang ating sariling pangangatawan sa mga pagkaing ating inihahain sa mesa. Ito ay ang ‘KETO DIET.’

Marahil hindi na bago ang ganitong klase ng pagdesiplina sa pagkain. Ano nga ba ang Keto diet at paano ito dapat isakatuparan ng mga nag-aasam ng malusog at magandang pangangatawan gaya nang nakikita natin sa social media?

Ang Keto diet o Ketogenic Diet ay ang mga pagkain na high in fat, low carb, at low sugar ang dapat kinakain. Alam niyo ba na ang mga pagkaing ating inakalang nakasasama o bawal sa ating kalusugan gaya ng mga putok batok na pagkain ay healthy palang kainin. Tulad ng beef, pork, chicken, seafoods, at egg.

received_2626958390939852

Sa klase nang mga tinapay, pwedeng kainin ay ang almond bread, coconut bread, cloud bread, flourless bread. Sa dessert naman, kahit ano pwede basta pasado sa mga ingredients pa’ng keto diet. Pwede ring kainin ang mga laman-loob gaya ng atay, bituka, tuwalya, at chicharong bulaklak (hangga’t kaya ng bituka mo pero hinay-hinay lang).

Sa klase naman ng gulay, mainam na kainin ay low in carbs tulad ng cauliflower (pa’ng alternative sa rice), spinach, pechay, broccoli, zucchini, bokchoy, lettuce, at mushroom.

Sa mga prutas naman, bukod sa mataas ang potassium content ng banana, mas mainam kainin ang Avocado, Strawberry, at Lemon sapagkat mas maganda ito para sa ating digestive system. Kung nais ng medyo manamis-namis na pagkain para magkalasa naman ang iyong kakainin ay mainam na gumamit ng ERYTHRITOL or STEVIA, MONK FRUIT, XYLITOL (low carb), SUCRALOSE, ASPARTAME, at ACESULFAME K (E950) ang gamitin.

received_498996543968062

Sa klase ng mantika naman dapat lard, coconut oil, mct oil, olive oil, pure ghee, butter, at palm oil. Ang pamalit naman sa toyo ay ang Coco Aminos. Wala namang ipinagbabawal sa klase ng cheese na nais kainin basta hindi lalabis sa pag-ngata nito. Pwede rin kumain ng Yogurt basta plain greek yogurt in moderation. Kung nais naman uminom ng alak ay hinay-hinay lang, mainam na itagay ay ang Vodka, Tequila, Whiskey, Brandy, at pwede rin namang Gin.

Mahalaga ring mabatid ng lahat na bukod sa alam na natin kung ano ang nararapat kainin sa keto diet. May mga pagkain ding hindi dapat ipagsawalang bahala. Ito ay ang RICE, lahat ng klase ng bigas ay bawal kainin maging ang paborito mong biko o rice cake. Kung hindi pa kayang umiwas sa kanin, dapat kaunti lang o 1/2 cup of cook rice ang kainin, pati processed at junk food. Bawal ang paglalagay ng asukal bilang pampatamis sa ating pagkain, gaya ng muscovado, coco sugar, white sugar. Kung nais magkape dapat ay black coffee, tea, and water (no sugar added).

Maging ang mga DAIRY PRODUCTS, OATMEAL, WHEAT FLOUR, ALL PURPOSE FLOUR, PASTA, BISCUITS, OYSTER SAUCE, HONEY, PROCESSED FOODS, AT VEGETABLE OIL bawal din sa keto diet.

Alamin mo rin kung kailan nga ba dapat mag-fasting. Pinakamainam sa gabi o depende sa iyo kung ano’ng oras basta huwag kang lalamon matapos ang 7-8 hours fasting.

Dapat ay mag-exercise ka rin para ma-burnout ang calories sa katawan mo at least 1 hour in a day. Limitahan mo rin ang carbohydrate intake to 20 grams per day.

Ugaliin din nating mag check ng labels sa mga binibili nating pagkain sa mga grocery stores, tulad ng sugar and calories content nito, at syempre huwag lilimot magpa-konsulta sa mga eksperto para sa mas balanseng keto diet.

Ayon sa mga health professional at Dietitian, dapat ay good fat ang ating kailangang kainin para makuha ang benepisyo sa ketogenic diet. Quality fat ang dapat kinokonsumo ng nais mag-keto diet tulad ng Avocado at Coconut oil, hindi ang chicharon at tsokolate. Ang ketogenic diet ay nakababawas sa timbang dahil bukod sa mababa ang calories, nakakapigil din aniya ito ng cravings kapag ating nakasanayan.

first vita plus

Gawin mo ito hindi lamang sa gusto mo’ng maging katulad ng nakagawa na nito. Gawin itong daily habit mo para sa tuloy-tuloy na pagbabago sa iyong daily living and healthy lifestyle.

Tunay na epektibo ang ketogenic diet para sa short at medium term na pagbabawas-timbang pero hindi ito inirerekomenda na tumagal nang mahigit isang taon.

Higit sa lahat, ang keto diet ay hindi para sa lahat dahil iba-iba ang health condition at pangangatawan ng tao. Baka maging dahilan pa ito ng pagbaba ng immune system ng hindi sanay sa pag di-diet at mauwi sa sakit.

Kumonsulta muna sa kilalang health nutritionist bago ito gawin. Mainam na suriin muna natin ang dahilan kung bakit nais mo’ng mag keto diet? Baka depress or stress ka lang at hindi mo kailangang mag keto diet, kundi sapat na pahinga at wastong pagkonsumo ng pagkain, vitamins, at tubig para sa nanlulupaypay mo’ng katawan. Sapagkat malaking adjustment ang kinakailangan mo’ng ikonsidera sa iyong katawan bago isagawa ang ganitong klase ng diet method. (Words by: Rex B. Molines / Photo credit: James Ganio Escalante)

Pinoy Ketogenic Diet Tips

Source:

https://ketogenic-diet-source.com/artificial-sweeteners.html

http://www.facebook.com/fvpbymjandmo

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DepEd honors Datu Ali Mama for donating land to be used for sites of Two government Schools
Next post Biyaheng Hong Kong at Macau, Pwede na

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d