
Biyaheng Hong Kong at Macau, Pwede na
Good news para sa mga kababayan nating OFW na nagtratrabaho sa Hong Kong at Macau. Pwede nang makapagbiyahe ang ating mga kababayang manggagawa sa nasabing bansa matapos ang pansamanatalang travel ban dahil sa banta ng COVID-19 sa ating kalusugan.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kailangang gumawa ng isang kasunduang deklarasyon na kanilang (mga OFW) susuungin ang pagbiyahe sa Chinese territories na batid naman nila ang panganib ng pagbiyahe pabalik sa kanilang mga trabaho.
Sapagkat, karamihan sa mga OFW ay nangangambang mawalan ng trabaho mula ng ipagbawal ang mga biyahe papunta at galing Hong Kong at Macau dahil na rin sa pag-iingat sa kalusugan ng bawat manggagawang Pinoy na hindi agad nakalipad pabalik sa kani-kanilang mga destinasyon.
Kaugnay nito, exempted din sa travel ban sa Hong Kong at Macau ang mga Filipino at kanilang mga banyagang asawa o anak, Permanent residents ng Hong Kong at Macau, mga Pinoy na mag-aaral sa nasabing bansa at mga Pinoy na may diplomatic visas.
Ang mga papayagang makabalik naman ng bansa galing Hong Kong at Macau ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine. (DM)