Food

Kundol: Ang Gulay na Kulang sa Pansin

Bahay Kubo. Isang popular Tagalog folk song na madalas inaawit ng mga chikiting, sa eskwelahan, sa bahay, sa kalye at kahit saan man. Maging ang mga banyagang naninirahan sa ating bansa ay inaawit din ito at nais matuto sa ating kultura, pagkain at mga kasanayan.

Binabanggit sa kantang ito ang iba’t ibang uri ng mga gulay na makikita sa mga taniman, sa paligid o bakuran ng bahay sa mga probinsya. Ngunit may isang gulay dito ang ‘di nabibigyang pansin at tila bibihira lang makita sa mga palengke at super market, ito ang “Kundol”.

Kahit sa mga karinderiya o sabihin na nating medyo sosyal na restoran ay hindi ito inihahain sa kanilang mga putahe o menu board. Panigurado, wala pa sa atin ang nagtatanong nang “Ate, may ginisang kundol po ba kayo?” Bukod sa mga lutuing karne, madalas din nating inoorder ang mga lutong-bahay gaya ng pakbet, adobong sitaw, ginisang pechay at ginatang langka.

Mababaw man ang paksang ito ngunit dapat nating bigyang importansiya kung ano nga ba ang tunay na pakinabang o halaga ng Kundol sa ating pamumuhay, kalusugan at maging sa ating agrikultura.

Kaya naman narito ang DIYARYO MILENYO para ibahagi sa inyo ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa gulay na kulang sa pansin.

images (47)

ANG KUNDOL O WHITE GOURD

Ang Kundol o white gourd sa Ingles na karaniwang tawag ay “mapagkit o puting kalabasang ligaw” dahil ang balat nito ay makapal at medyo matigas. Ang mga sanga nito ay pinagagapang sa mga kawayan na kagaya ng pagtatanim ng upo o ampalaya dahil sa napakalaki nitong bunga. Nababalutan ng himulmol ang bungang ito kapag bata pa o mura pa. Kapag ang bunga nito ay nasa hustong gulang na para pitasin, kusang naaalis ang mga buhok o hibla nito at maaring maimbak ng matagal at hindi agad nabubulok.

Karaniwang tinatawag din itong ‘winter melon’ o ‘milon ng taglamig’ sa ibang bansa, at marami ang nalilinlang sa katawagang ito dahil hindi naman isang uri ng matamis na prutas ang kundol. Ayon sa Wikipedia, lumalaki ang kundol ng hanggang 2 metro ang haba na tumitimbang ng 2-5 kilo at may pagkakataong umaabot din ng 7 kilo ang bigat. Ang pagtataniman nito ay karaniwang inaalagaan sa Timog-silangang Asya, maging sa ating bansa.

KILALANG GAMOT SA KIDNEY AT IBA PA

Ayon sa mga dalubhasa sa herbal medicine, kilalang gamot sa kidney at pampatanggal ng bulate ang kundol. Aniya, nakatutulong din ito para sa mga kalalakihan na magkaroon ng sapat na sperm count. Kailangan gawin ay lutuin ang buto ng kundol at haluan ito ng gatas upang magkaroon ng lasa. Mababatid din ang kaalamang ito sa internet at iba pang babasahin.

CHIKITING, PAHIRAPAN SA PAGKAIN NG GULAY

Karamihan sa atin, lalo na ang mga kabataan ay ayaw kumain ng kulay. Kanilang dahilan, walang lasa ang gulay, hindi feel kainin ang texture nito dahil sa green leafy o itinuturing na damo at mapakla. Mas pinipili pa ng mga bata na kainin ang preservative foods tulad ng hotdog, sausage, burger patty at iba pa. At tila wala rin sa listahan ng ating mga butihing mommy ang pagpapakain o pagluluto ng kundol.

KUNDOL; NEGLECTED CROP IN THE PHILIPPINES

Kundol is a neglected crop in the Philippines. Ito ang titulo sa artikulo na aming nakalap mula sa Federation of Free farmers sa internet. Aniya, ang pagatatanim ng kundol ay napapabayaang palaguin o hindi nabibigyang pansin sa ating bansa. Bagay na dapat nating linangin at sikaping mapalago ang produksiyon nito upang maibigay batid sa lahat na ang kundol ay nag-eexist sa ating agrikulutra.

Sa isinagawang International Field Day sa Simon N. Groot Research Center sa Chiang Mai, Thailand noong 2014. Napatunayan na nagkaroon ng masmalagong pagtatanim ng kundol o white gourd sa nasabing bansa. Maskilala ang kundol sa bansag na ‘winter gourd’, dahil sa mas marami at malago ang pagbunga ng kundol tuwing panahon ng taglamig sa kanilang bansa.

images (45)

PAGGAWA NG MINATAMIS NA KUNDOL

Bukod sa nakasanayan nating lutong gulay tulad ng paggisa at iba pang pamamaraan. Isang recipe na pang merienda ang aming ibabahagi na tiyak magugustuhan ng mga bata at maging ikaw na nagbabasa nito. Ito ay ang paggawa ng minatamis na kundol. Narito ang mga dapat ihanda sa paggawa ng minatamis na kundol;

Mga Recipe;

1 medium size ng kundol.

1 kilo puting asukal.

5 basong tubig

1 tbsp. baking soda (Pwede rin Lime o apog)

1 tbsp. Lye water

PAMAMARAAN

Peel thinly o balatan ng bahagya ang kundol, mainam na hatiin ang bunga nito sa apat na bahagi para masmabilis itong mahiwa ng manipis.

Slice or cut as desired. Hiwain ito ayon sa iyong kagustuhan, pwedeng gumamit ng panghiwa na may iba’t ibang design. Matapos hiwain.

Kumuha ng malinis na tubig na may sukat na 5 cups of water, at isabay sa pagbuhos ang 1tablespoon ng baking soda at isang kutsaritang Lye water (pwede rin ang lime o apog) na siyang magma-maitain ng pagka-crispy ng kundol at ma-maintain din ang kulay nito.

I-soak o ibabad ang slice na kundol ng 10 hanggang 12 oras o magdamagang ibabad ito. Kinabukasan, matapos ibabad, hugasan ng mabuti ang mga piraso ng kundol sa malinis na tubig o cold water at i-drain.

Matapos idrain, babanlian naman ito sa kumukulong tubig o boiling water ng panandalian lamang. Hanguin muli ang kundol at ihiwalay pansamantala sa boiling water para naman maisunod ang paggawa ng arnibal o syrup na magmumula sa asukal na puti na may sukat lamang na 1/3 kilo o 700 gramo.  Pakuluan ito ng 15-20 minuto.

Hayaan munang mag-thick ang arnibal o syrup. Pagmalapot na ang arnibal ay pwede ng ilagay muli ang kundol. Pakuluan ito ng isang beses lang.

I-cool down lamang pansamantala at pwede nang i-serve ang ating minatamis na kundol.

images (46)

Pwede rin itong gawin na kundol candy, hanguin lamang ito sa arnibal at muling i-drain at ibukod ng lalagyanan, kusa itong mamumuti na parang kasing texture din ng candy.

‘Yan ang magandang dulot ng Kundol, ang gulay na tila hindi nabibigyang pansin. Sana ay napansin mo ang munting benepisyo ng Kundol sa ating kalusugan. (DM)

Words by Diyaryo Milenyo

Photo courtesy to Google

Categories: Food

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.