Pinas, pang 57 sa 98 na bansa na may pinakamaruming hangin

Read Time:1 Minute, 25 Second

Pinas, pang 57 sa 98 na mga bansang may pinakamaruming hangin. Base sa isinagawang pag-aaral ng IQAir Air Visual Group.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Naitala sa pag-aaral na tumaas ng bahagya sa 17.5 micrograms per cubic meter (μg/m3) o (PM2.5) sa dati nitong average na 14.6 μg/m3 noong 2018.

Ang PM2.5 o tinatawag na Particulate matter (PM) ay nababase sa mixture ng solid particles at liquid droplets sa ating atmosphere. Kinabibilangan nito ay ang tubig, alikabok, at salt particles. Ang PM2.5 na sinukat ng IQAir ay tumutukoy sa particulate matter na may diameter na mas mababa sa 2.5 micrometer o 3 porsiyento lamang ng diameter ng isang buhok ng tao.

Ang mataas na antas ng particulate matter na dala ng maruming hangin ay maaaring magdulot ng paglabo ng kalangitan at makasama sa ating kalusugan dahil hindi natin nakikita ang dumi sa hangin. Ito ay ating nalalanghap at maaring magdulot ng pag-ubo, at hirap sa paghinga.

PhotoGrid_1582333388536Batay na rin sa naging joint statements ng Greenpeace Philippines, Clean Air Asia, Center for Energy, Ecology and Development (CEED), Health Care without Harm, Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), at ang World Wide Fund for Nature (WWF) na kanilang iminumungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagtuunang pansin ng bawat ahensiya ng gobyerno partikular ang DENR kung paano nga ba mapapangalagaan ang kalidad ng hangin sa bansa at gawin itong prayoridad ng bawat ahensyang mangangasiwa nito.

Kailangan ding bigyang diin at pagtutok sa Clean Air Act at ang pagbibigay ng moratorium o Permits to Operate Air Pollutant Installations sa lahat ng mga planta na nag-ooperate sa bansa para sa mas malinis na hangin. (DM)

Photo credit to: Morexter

Published by Diyaryo Milenyo

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post The Philippine Orchid Society Celebrates its 74th Annual Orchid Show at Quezon City
Next post PHOTO NEWS: Notre Dame Pride

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: