NORTH COTABATO — Nakauwi na sa Kidapawan City ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na umano’y minaltrato ng kanilang mga employer sa basa ng Kuwait at Saudi Arabia dahil sa tulong ni Mayor Joseph Evangelista.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon sa report ni Rem C. Agdon na pinoste ng ARANGKADA-BALITA, ang nasabing mga OFWs na nakauwi ay sina Grace Etrina, 25-anyos na nakatira sa siyudad ng Kidapawan at Maribel Lapinid na nakatira naman sa bayan ng Pikit na sakop naman ng probinsya ng North Cotabato.
Humagolgol naman ng iyak ang nasabing mga OFW habang nagpapasalamat Kay Mayor Evangelista.
Ayon sa kwento ni Manang Grace, dumating ito sa Kuwait noong December 2019 upang magtrabaho na kasambahay doon.
Ang akala ni Manang Grace, aayon sa kanya ang swerte ng buhay pero nagkamali ito. Ayon sa kanya, pinapa-trabaho siya ng kanyang amo na walang pahinga at ang pinakamasakit, hindi pa siya pinapakain habang nagtratrabaho.
Para malaman ng lahat ang ginagawa ng kanyang amo sa kanya, pinoste nito sa Facebook ang nangyayari sa kanya at ng magkaroon ng tsansa, tumakas ito at pumunta sa Philippine Embassy.
Sa kwento naman ni Manang Maribel, maliban sa hindi siya sinasahoran ng kanyang amo, ikinukulong pa siya sa kwarto nito at ibenenta pa siya sa ibang employer ng kanyang amo.
Tulad ng ginawa ni Manang Grace, pinoste rin nito sa Facebook ang nangyayari sa kanya at nakita naman nito ng kanyang pamilya sa Pilipinas.
Kaagad namang humingi ng tulong ang mga pamilya ng dalawang-OFW kay Mayor Evangelista para sa agaran nilang pag-uwi.
Mabilis naman ang naging aksyon ng nasabing alkalde. Kaagad nitong inutusan ang kanyang mga empleyado na makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs at OWWA tungkol sa kaso ng dalawang OFW. (RHB/MINDANAO DESK)
WORDS BY RAMIL BAJO, CHIEF DESK OFFICER – MINDANAO DESK
PHOTO CREDIT TO MAYOR JOSEPH EVANGELISTA FACEBOOK PAGE