
436 na Barangay sa North Cotabato dineklara na “Drug Cleared” ng PDEA-12
KORONADAL CITY — Sa 543 na mga barangay ng probinsya ng North Cotabato, 436 nito ay dineklara na “drug cleared” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sa interbyu sa kanya ng Notre Dame Broadcasting Corporation (NDBC), sinabi ni Naravy Dacquiatan na umaasa ang oversight committee na ang naiwang 107 na mga barangay ng nasabing probinsya ay made-deklara na drug cleared ngayong taon.
Si Dacquiatan ay ang director ng PDEA sa Region 12 at nakabase ang tanggapan nito sa General Santos City.
Pinasalamatan ni Dacquiatan ang opisyal ng probinsya, lalo na si Governor Nancy Catamco, at ang mga alkalde sa kanilang suporta at kooperasyon kung kaya’t naabot nila ang nasabing “achievement.”
Ayon kay Governor Catamco, pipilitin nilang madeklara ngayong-taon ang naiwan na 107 na mga barangay ng probinsya na “drug cleared.”
Si Governor Catamco ay ang presiding chairperson ng nasabing oversight committee at ng provincial peace and order council.
Ayon sa report ng NDBC News, aabot sa 50 na bigtime na mga drug pushers ang naaresto ng PDEA magmula ng umupo si Governor Catamco noong 2019.
Ayon kay Dacquiatan, ginagawa ng lahat ng PDEA na bigyan ng solusyon ang problema sa droga sa 107 na mga barangay para madeklara na ang buong probinsya na drug cleared.
Nagpapasaalamat naman si Dacquiatan sa support ng probinsya sa kanilang anti-illegal drugs operations at activities sa lahat na mga munisipyo na sakop ng kanilang hurisdiksyon. (RAMIL H. BAJO)
PHOTOS CREDIT TO PDEA AND GOVERNOR NANCY CATAMCO
BY RAMIL H. BAJO, CHIEF DESK OFFICER – MINDANAO DESK
PUBLISHED BY DIYARYO MILENYO
436 na Barangay sa North Cotabato dineklara na “Drug Cleared” ng PDEA-12