NASYUNAL

NEWS SPOT: Dating Guard ng Isang Mall sa Greenhills, nang hostage ng 30 katao; 1 Binaril

Nag-amok ang isang gunman sa loob ng V-Mall sa Greenhills, San Juan City kaninang hapon. Batay sa ulat,  isang tao ang nabaril at nasugatan habang nasa 30 katao kabilang ang mga empleyado ng nasabing mall ang hinostage sa loob ng Mall.

Napag-alaman sa ulat na ang lalaking armado ay dating guard ng V-Mall at kasalukuyang nasa loob ng opisina ng nasabing mall. Batay na rin sa ipinoste sa Facebook ng Radyo Pilipinas, nakipag-video call pa ang suspek sa mga security guard ng Sascor na isa sa mga kondisyon sa pagpapalaya nito sa kaniyang mga hostage.

Nagpakalat naman ng higit isang dosenang SWAT commandos at nagpadala narin ang kapulisan ng ambulance kung sakaling magkaputukan at malagay pa sa panganib ang mga biktima.

Patuloy pa ring inaalam ang motibo ng suspek kung bakit humantong ito sa ganitong pangyayari. (DM)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.