PROBINSYA

P1.5-M na “skatepark” na ipinatayo sa Koronadal City dinadayo ng mga kabataan

KORONADAL CITY — Dinadayo ngayon ng mga kabataan na mahilig sa “extreme sports” ang ipinatayong “skatepark” ni Deputy Speaker for Mindanao at South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez sa Barangay Morales sa siyudad na ito.

 

Ang nasabing “skatepark” ay nagkakahalaga ng P1.5-milyon. Kinokonsidera ni Congressman Hernandez ang nasabing “skepark” na “the first ever skatepark and multipurpose area in South Cotabato and the second facility in the (Central Mindanao) region.”

sk8-2

Sa interbyu sa kanya, sinabi ni Congressman Hernandez na “This facility will cater and provide a venue for the skateboarders, as well as the dancers, bikers, and artists who are looking to improve their skills.”

 

Ayon kay Congressman Hernandez, ang layunin ng pagpapatayo nito ng nasabing pasilidad ay “to promote and support the emergence of extreme sports in the province of South Cotabato.”

 

Tuwang-tuwa at pinuri naman ng mga skateboarders at mga kabataan na mahilig sa “extreme sports’ ang nasabing mambabatas dahil sa inisyatibo nito na magpatayo ng ganong pasilidad para sa kanila.

 

Para sa kanila, ang nasabing pasilidad ay isang “dream come true” dahil matagal na nilang pangarap na magkaroon ng ganong pasilidad.

 

“For the past 20 years they are asking several government agencies to fund the construction of the said facility to no avail,” sabi ni Congressman Hernandez.

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang lahat na mga skateboarding enthusiast kay Congressman Hernandez sa ginawa nito para sa kanila. (RAMIL BAJO/PHOTOS CREDIT TO RYAN BERNAS/GO EXTREME KORONADAL)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.