
Pagpapalawak ng mga tulay sa South Cotabato nasa “halfway done” na, ayon sa DPWH XII
KORONADAL CITY — Ang isa sa mga prayoridad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay ang mabigyan ng solusyon ang “traffic congestion” sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
Sa pinoste na press statement ng DPWH XII sa kanilang Facebook account, sinabi ni Regional Director Basir Ibrahim na ang kanilang ahensya “currently developing and undertaking various infrastructure projects to address the problem.”
Ang isa sa sinasabi nitong imprastraktura ay ang “widening” ng “Marbel-Makar Road” (ang national road papunta sa General Santos City).
“The Marbel- Makar Road or the national road from Koronadal City to General Santos City is almost widened to six lanes including the construction of road shoulders and flood control systems,” ayon pa sa press statement na pinoste ng nasabing ahensya.
Dagdag sa nasabing “decongestion efforts” ng DPWH XII ay ang pagpapalawak ng mga tulay sa probinsya ng South Cotabato.
Kinumpirma naman ni District Engineer Khalil D. Sultan ng South Cotabato 1st District Engineering Office na ang bridge widening projects sa ilalim ng kanyang hurisdiksyon ay “already halfway done” (or nasa kalagitnaan na).
“The widening of three vital bridges has an average accomplishment of 50%,” sabi ni DE Sultan.
Ang tatlong sinasabi nito na mga tulay ay ang Bulok Bridge sa Koronadal City, twin bridge sa Barangay Palian sa Koronadal City at ang Saravia Bridge sa Barangay Saravia sa siyudad pa rin ng Koronadal.
Ang Bulok Bridge ay matatagpuan malapit sa “famous landmark” na “Round Ball” ng nasabing siyudad habang ang Twin Bridge naman ay nasa boundary ng Koronadal City at Munisipyo ng Tupi. (RAMIL H. BAJO/PHOTO CREDIT TO THE FACEBOOK PAGE OF DPWH XII)