Steph Curry, Maglalaro Muna sa G-League?

0 0
Read Time:2 Minute, 30 Second

Matagal na ring hindi napapanood sa basketball court ng mga fans ng National Basketball Association (NBA) ang two-time MVP na si Steph Curry ng Golden State Warriors (GSW) dahil sa kaniyang major left-hand injury noong Oktubre 30, 2019. Kanina balik basketball court is Curry subalit hindi sa NBA kundi sa developmental league nito na G-League.

Sa impormasyong nakalap ng DIYARYO MILENYO mula sa League sources na nakipag-ensayo lamang si Curry sa kaniyang affiliate na Santa Cruz (SC) Warriors. Gayunpaman, para siya makapag-ensayo, kailangan muna niyang ma-sign sa team roster ng SC Warriors. Kaya totoo na si Curry ay officially na-assigned sa G-League maski hindi siya maglalaro sa isang official game.

Bulung-bulungan sa internet ang inakalang paglalaro ni Curry sa G-League. Sa policy kasi ng Liga maaaring mag-assign ng player ang isang NBA team papunta sa minor league nito na G-League at pwede rin nila itong i-recall anytime. Natuloy ang scrimmage o five-on-five kanina ni Curry with the SC Warriors at napabalitang nagmintis ang kaniya sanang game-winner dahilan para matalo ang kaniyang koponan.

Ayon kay Curry, nakakaramdam pa rin siya ng “nerve issues” sa kaniyang kaliwang kamay na na-operahan ng dalawang beses dahil sa tinamo nitong injury noong nakaraang taon.

Minarapat ng GSW management to sign Curry sa SC Warriors para sa kaniyang rehabilitasyon.  Ayon sa NBA.com, “The NBA G-League is the NBA’s official minor league, preparing players, coaches, officials, trainers, and front-office staff for the NBA while acting as the league’s research and development laboratory.”

Kasama sa preparasyong nabanggit ng Liga ay ang rehabilitasyon ng mga NBA players tulad ni Curry. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang two-time MVP ng NBA ang nakipag ensayo sa kaniyang G-League affiliate.

Si Curry mismo ay umaasa na makabalik sa NBA court nitong Marso 1, subalit minabuti ng Wariors management na huwag na muna apurahin dahil na rin sa dismal performance ng team ngayong season.

Kasalukuyang kulelat ang GSW sa buong NBA with a 13-48 win/loss record at imposible na silang makapasok sa playoffs. Aniya, wala naman daw masyadong incentive para kay Curry kung aapurahin siya ngayon para maglaro sa high level. Gayunpaman, sinisiguro ng Warriors management na malapit nang matunghayan ng mga fans ang pagbabalik ni Curry sa NBA — the most possible is the GSW match-up against the Toronto Raptors sa Miyerkules. (John Ricafrente Pesebre)

WORDS BY JOHN RICAFRENTE PESEBRE

PUBLISHED BY DIYARYO MILENYO

——————
Sources:
Caccioka, Scott. “Stephen Curry’s Injury Rehab Takes a G-League Detour.” New York Times. March 02, 2020. Accessed on March 02, 2020. https://www.nytimes.com/2020/03/02/sports/basketball/steph-curry-warriors.html
Shiller, Drew. “Steph Curry’s G League scrimmage details revealed by Santa Cruz broadcaster.” NBC Sports. March 02, 2020. Accessed on March 02, 2020. https://www.nbcsports.com/bayarea/warriors/steph-currys-g-league-scrimmage-details-revealed-santa-cruz-broadcaster
Photo Credit: Scott Strazzante / The Chronicle

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

Learn More →
%d bloggers like this: