NASYUNAL

Murang Presyo ng Gulay mula Benguet, mabibili sa QC Memorial Circle

THE VEGGIE DROP-OFF — Para sa mga veggie-lovers na naghahanap ng murang presyo ng mga gulay mula sa La Trinidad Benquet. Maari po kayong sumadya sa Quezon City Memorial Circle mula 7 a.m hanggang 7 p.m sa Sabado at 7 a.m hanggang 3 p.m naman sa Lingo.

Tinutulungan ang mga farmers mula sa nasabing probinsya ng isang grupong The Veggie Drop-Off para dalhin dito sa Maynila ang mga aning gulay mula Benguet.

Aniya, ito ay kanilang ginagawa upang matulungang maibenta at ilako nang mga magsasaka ang mga gulay sa Maynila sa parehong presyuhan nito. Aniya, hirap kasing ilako ang mga gulay sa kanilang probinsya sapagkat malayo sila sa mga pamilihan at madalas binabarat pa nang ilang mga turista ang presyuhan nito.

Makakabili dito ng mga gulay gaya ng; Broccoli, Carrots, Celery, Kale, Labanos, Leeks, Kamatis-cherry, Cherry, Lettuce-Romaine, Patatas-marble, Patatas regular, Puting sibuyas, Sayote, Red Raddish, Sitsaro/ snow peas, Parsley, Pechay Taiwan, Pechay Wombok, Repolyo, Pipino, Spinach, Strawberry, at Wansoy.

Pinaalalahanan din ang mga mamimili na magdala ng eco bags at huwag ang plastic bags dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng lungsod.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang official facebook page ng THE VEGGIE DROP-OFF. (DM)

Photo credit to The Veggie Drop-Off

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.