
BREAKING: COVID-19 PH, NASA ALERT CODE RED SUB-LEVEL 1 NA – DOH
BREAKING: Inirekomenda ng DOH kay Pangulong Duterte na mag-deklara ng Public Health Emergency patungkol sa tumataas na bilang ng mga nagpositibo sa #COVID19 sa bansa. Bukod sa 2 nagpositibo nitong nagdaang araw ay may bagong kaso na naman ng coronona virus na isang empleyado sa BGC Taguig ang nagpositibo rin at pinangangamabahan ngayon na mas lumaganap pa ito.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Kaugnay nito, itinaas naman ng DOH ang alert Code Red Sub-Level 1. Layon nito na masiguro na maging handa ang mga ospital at lokal na pamahalaan sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng #COVID19 sa bansa.
Pinapayuhan ang lahat na umiwas sa mga matataong lugar, partikular na ang mga lugar na pinuntahan ng mga nagpositibo sa Coronavirus. (DM)
(Don’t forget to like, share, follow, and subscribe to our official website; https://diyaryomilenyonews.wordpress.com)
#COVID19 #Updates #Philippines #PH #DiyaryoMilenyo #BreakingNews #DOH
Sources:
https://news.mb.com.ph/2020/03/07/bgc-employee-tests-positive-for-covid-19/
https://news.abs-cbn.com/news/03/07/20/what-is-code-red