BUSOG LUSOG: Isa sa mga inilulunsad na programa ng lokal na pamahalaan ng City of Dasmariñas ay ang matugunan at maiwasan ang malnutrition sa nasabing probinsya.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Kaya naman, kanilang inilunsad ang ‘BUSOG LUSOG Nutrition Program’ sa pangangasiwa nang Provincial Health Office. At kahit hindi pa man nutrition month ay naka-monitor ang butihing Barangay Capt. Ely Guimbaolibot ng Barangay Paliparan 3 kasama ang mga kagawad kaninang hapon para asikasuhin ang mga dumalo sa nasabing programa.

Aniya, ang programang inilunsad ay umiikot sa buong sakop ng Dasmariñas City kabilang na ang Barangay Paliparan 3 mula phase 1 hanggang phase 5. Saad pa ng aming nakapanayam ay pinapalista muna ang mga pangalan ng mga concern-kids o mga batang may mababang timbang o kaya naman umiikot ang ilang volunteers sa bawat kabahayan para ibahagi ang nasabing programa at timbangin ang mga bata na nakikitaan ng malnutrition na maaring mauwi sa acute malnutrition dulot ng kakulangan sa pagkain na nagreresulta sa biglaang pagbaba ng timbang na kailangang bigyang pansin at gamutin.
Isa sa mga tinututukan ng Barangay Paliparan 3 ay ang kapakanan din nang mga mahihirap na pamilya sa kanilang lugar lalo na ang mga kabataan.
Layunin ng programang ito na mabawasan ang bilang ng malnutrition sa nasabing probinsya at kanilang ipagpapatuloy na imonitor ang kalusugan ng mga bata lalo pa’t mas dumarami ang banta ng iba’t ibang uri ng virus sa paligid na maaring makaapekto sa kanilang kalusugan kapag mahina ang immune system.
Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan muli mag-iikot ang programa ng Bayan ng Dasmariñas sa nasabing barangay at iba pang kalapit barangay nito. (DM)
PHOTO CREDIT TO SIR ARNEL ALCORROQUE
PUBLISHED BY DIYARYO MILENYO