HONG KONG, China — Ayon sa datos na nakuha ng DIYARYO MILENYO mula sa “Google.” Aabot malapit sa 200,000 na mga pinoy “OFW” (Overseas Filipino Worker) ang nandito sa bansa ng Hongkong.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Lahat sila ay nagtratrabaho sa Hongkong para sa kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas. Lahat sila ay umaasa na mababago ang kanilang mga buhay sa pagtratrabaho dito. Lahat sila ay malayo sa kanilang mga mister, mga misis, mga anak, mga kapatid at mga magulang. Lahat sila nagtitiis at pilit na nilalabanan ang lungkot na malayo sa kanilang mga pamilya.
Ano ba ang mga ginagawa ng mga pinoy OFW pag “day off” nila tuwing Sunday? Saan ba sila pumupunta para libangin ang kanilang mga sarili?
(PUBLISHER’S NOTE: Narito ang report ni Ms. Janeth Loreno, ang contributing writer at photographer ng DIYARYO MILENYO sa Hongkong, na isa ring domestic helper sa nasabing bansa)
“Sunday Day-Off”
Ang mga pinoy OFW’s sa Hongkong ay mayroong isang araw na “day off” at ‘yan ay tuwing linggo lamang. ‘Pag araw ng linggo, lahat ng mga pinoy OFW ay pumupunta sa “Central District.” Ano ba ang ginagawa nila?
Nagtitipon-tipon sila at nag-uusap ng grupo-grupo na parang nagpi-picnic sa tabi ng dagat. Nag-uusap habang kumakain ng dala nilang mga pagkain. Lahat ng pinag-uusapan nila ay tungkol sa kanilang mga pamilya at mga problema sa kanya-kanya nilang mga buhay. Ganon ang mga buhay nila ‘pag araw ng pahinga nila sa trabaho sa kaniya-kaniya nilang mga “employer.”
Ang makikita ninyong mga larawan ay aktuwal na kuha ni Ms. Janeth Loreno sa kanyang paglilibot sa District Central ng Hongkong kung saan makikita ang mga libo-libong mga pinoy-OFW na nakatambay sa nasabing distrito. (JANETH LORENO, HONGKONG/)
____________________________________
PUBLISHED BY DIYARYO MILENYO
(SA MGA NAIS MAGBAHAGI NG MGA KWENTO AT MGA LARAWAN SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO O KAHIT MISMO DITO SA ATING BANSA. MAARI PO KAYONG MAG-EMAIL SA DIYARYOMILENYO@GMAIL.COM. HIHINTAYIN PO NAMIN ANG MGA ENTRY NINYO, KAMILENYO!)