
PHOTO NEWS: LRT 1, tila nabawasan ng mga Pasahero ngayong araw
Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang nang mga infected ng Coronavirus 2019 (COVID-19) sa buong NCR at kalapit probinsya ngayon ay halos kabaliktaran naman ito ng bilang ng mga mananakay sa LRT Line 1 na tila natapiyasan ang bilang nang mga pasaherong sumasakay dito.
Ang larawang ito ay kuha kaninang 5:45 PM ng hapon. Halos bilang lang sa daliri ang mga naghihintay na pasahero sa paparating na train. Hindi gaya sa mga nagdaang araw o ang ordinaryong uwian nang mga empleyado at iba pang mga mananakay nito na madalas ay napupuno ng tao ang buong flatform ng Roosevelt Station LRT Line 1.
Ayon sa aming nakapanayam na isa sa mga empleyado ng LRT 1 sa Roosevelt ay talagang kapansin-pansin na kumonti ang kakapalan nang mga pasahero ngayong araw dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Sa huling pagtatala ng Department of Health (DOH) ay pumalo na sa 33 katao ang mga nagpositibo sa COVID-19 at patuloy pa rin itong dumarami at tinututukan ng mga concern authorities sa bansa.
Kaugnay nito, nagdeklara na rin ang ilang mga kumpaniya sa ilang bahagi ng NCR na hindi na muna papapasukin ang kanilang mga empleyado mula bukas hanggang biyernes upang makaiwas sa tumitinding banta ng COVID-19 sa ating kalusugan lalung-lalo na ang mga affected areas; Pasig, Marikina, Quezon City, Caloocan, at Cavite. (DM)