DTI: ALCOHOL AT SANITIZER, ILILIMITA NG HANGGANG 2 BOTTLE SA BAWAT MAMIMILI

Read Time:1 Minute, 4 Second

Dahil sa pagpa-panic buying ng mga konsyumer sa pagbili ng mga alcohol at hand-sanitizer sa bansa, magpapatupad ang DTI ng panukalang limitahan ang pagbili ng mga alcohol at sanitizers  ng hanggang 2 bottle lamang ang maaring bilhin o kunin ng bawat konsyumer sa mga grocery stores.

Kinapanayam ng CNN Philippines si DTI – Consumer Protection Group USec. Ruth Castelo. Aniya, kanilang isasagawa ang ganitong hakbangin sapagkat may mga napabalitang nang-aabuso sa presyuhan ng alcohol at hand sanitizers at maging ang mga face mask na ibinibenta rin thru online.

Kaugnay nito, iniiwasan din ang mahaba at matagal na pila sa mga counter area na ang lubos na nahihirapan sa pagbilang at pag-repake ng mga aytem na ito ay ang mga kahera at bagger dahil sa sangkaterbang alcohol at hand-sanitizers na inilalabas sa mga pamilihan minu-minuto.

Para naman sa mga mapang-abusong supplier o mga nagbebenta ng nasabing mga produkto ay may kaukulang parusa ang naghihintay sa inyo sa sinumang maaktohan at mapabalitang gumagawa ng panggigipit sa mga konsyumer.

Para sa mga sumbong at/o hinanaing sa mga mapang-abusong supplier at iba pa. Maaring mag-email o tumawag sa numero ng DTI-CPG;

Call 1-384 (1-DTI)| #ConsumerPH | email: ConsumerCare@dti.gov.ph

=============================

BY DIYARYO MILENYO

PHOTO CREDIT TO BWORLDONLINE.COM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHOTO NEWS: FIRST DISTRICT ENGINEERING OFFICE OF DPWH IN SULTAN KUDARAT ADOPTS ANTI-CORONAVIRUS MEASURE
Next post PHOTO NEWS: 43RD SPECIAL ACTION FORCE (SAF) SHARES BLESSINGS TO THE SULTAN KUDARAT KIDS

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: