PHOTO NEWS: 43RD SPECIAL ACTION FORCE (SAF) SHARES BLESSINGS TO THE SULTAN KUDARAT KIDS

Read Time:1 Minute, 9 Second

COLUMBIO, Sultan Kudarat — Masayang ibinibigay ni Lieutenant JP Agod of the 43rd SPECIAL ACTION FORCE (SAF) na nakabase sa probinsya ng Sultan Kudarat ang isang damit sa isang bata na karga ng kanyang nakangiti na ina sa isang “community outreach program” sa bayan ng Columbio.

Ang pamamahagi ng “blessings,” tulad ng mga damit at mga laruan, sa mga bata doon ay isang paraan ng 43rd SPECIAL ACTION FORCE (SAF) na ilapit ang kanilang tropa sa mga residente ng isang komunidad sa pamamagitan ng “sustainable” at “friendly” na approach upang maramdaman ng mga tao ang kanilang presensya sa positibong-paraan at maramdaman nila na may isang gobyerno na handa silang tulungan anumang-oras.

43rd SAF 2

Kasama naman ng tropa ni Lt. Agod ang mga miyembro ng Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (SKPMFC), sa pangunguna ni Colonel Roy Romualdo, sa pamamahagi ng mga laruan at mga damit sa mga bata ng nasabing barangay.

Mahigit sa 100 na mga bata ng Barangay Datalblao ang nakatanggap ng “blessings” mula sa 43rd SAF at SKPMFC, ayon sa report na natanggap ng DIYARYO MILENYO mula kay Patrolwoman Mary Eileen Bautista na PCAD-PNCO ng SKPMFC.

Ang 43rd SPECIAL ACTION FORCE (SAF) ay nasa ilalim ng pamumuno ni Captain Amado Espina at ang “ex-o” naman ng nasabing tropa ay si Lt. Agod. (RAMIL H. BAJO, MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO PATROLWOMAN MARY EILEEN BAUTISTA, PCAD-PNCO-SKPMFC)

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post DTI: ALCOHOL AT SANITIZER, ILILIMITA NG HANGGANG 2 BOTTLE SA BAWAT MAMIMILI
Next post Utah Jazz All-Star Positibo sa COVID-19; NBA Season Sinuspinde 
%d bloggers like this: