
PHOTO NEWS: FIRST DISTRICT ENGINEERING OFFICE OF DPWH IN SULTAN KUDARAT ADOPTS ANTI-CORONAVIRUS MEASURE
ISULAN, Sultan Kudarat — Makikita sa larawan ang isang bisita na tumigil muna ito sa gate at hinugasan nito ng “hand-based alcohol sanitizer” ang kanyang mga kamay bago ito pumunta sa papasukuan nitong opisina sa tanggapan ng first district engineering office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Napag-alaman ng DIYARYO MILENYO na ang paglalagay ng “alcohol” para sa pag-sanitize sa mga kamay ng mga papasok na mga bisita ay bahagi ng ipinapatupad na “anti-coronavirus measure” ng Sultan Kudarat 1st District Engineering Office (Sk1stDEO) ng DPWH upang mapigilan ang posibleng pagpasok at pagkalat ng nasabing sakit sa kanilang tanggapan.
Ayon sa advisory report na ipinalabas ng Department of Health (DOH) kamakailan lang, ang Region 12 ay isa pa ring “COVID-19 FREE REGION.” Ang Sultan Kudarat ay isa sa mga probinsya ng Region 12.
Pinuri naman ng pumapasok na mga bisita at mga kliyente ng DPWH-SK1stDEO ang pagpapatupad nila ng nasabing “preventive measure.” (CONTRIBUTED BY MR. ABDUL CAMPUA)