KORONADAL CITY, Philippines — Aabot sa 150 na mga magsasaka at mahigit 200 na ektarya ng lupain sa siyudad na ito ang makaka-benepisyo sa bagong tayo na “Magsaysay Dam” na proyekto ni Deputy Speaker for Mindanao at South Cotabato 2nd District Rep. Atty. Ferdinand “DINAND” Hernandez na pinondohan nito ng P152,450,000.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon sa mga magsasaka ng nasabing barangay, natutuwa sila at binigyan ng katuparan ni Congressman Hernandez ang matagal na nilang pangarap na maging “functional” uli ang kanilang dam.
Napag-alaman ng DIYARYO MILENYO na mga ilang taon na ang nakaraan, ang nasabing dam ay nasira at sa tingin ng mga magsasaka imposible na itong ma-repair dahil sa grabeng pagkasira nito. Sa tingin nila nangangailangan ito ng malaking pondo at ang iba naman ay nagasasabi na masyadong “impractical” na ma-repair pa ang dam dahil sa estado nito na “heavily damaged.”
Dahil nasira, huminto ng pagsasaka at pagtatanim ng palay ang mga magsasaka. Dahil walang tubig na dumadaloy sa irigasyon, nagpasya sila na magtanim na lamang ng mais imbes na palay.
Ayon kay Congressman Hernandez, mga apat na taon na ang nakalipas, personal nitong binisita ang sirang dam upang ayusin.
“Many thought it was impractical to repair the dam as it will require extensive overhaul and rehabilitation and even I thought that it would be a very difficult task to accomplish,” sabi ni Congressman Hernandez sa kanyang Facebook account.
Pero imbes na mahinaan ng loob, gumawa ng paraan si Congressman Hernandez upang gawing “posible” ang “imposible” na pangarap ng mga magsasaka ng Barangay Magsaysay.
“Malaking pangarap ngunit mas malaki at matibay ang ating hangarin na matulungan ang ating mga magsasaka upang maitaguyod ang kanilang kabuhayan. Hindi ako naniniwala sa imposible kaya ang dating pangarap, ngayon ay realidad na,” giit ni Congressman Hernandez.
Ayon kay Congressman Hernandez, umabot ng apat na taon bago naging “fully functional” uli ang Magsaysay Dam.
“It took more than four years, four phases, and a total of P152,450,000 to realize this dream. From an initial funding of P30,771,450 in 2015, I was able to source additional budget for the completion of the dam— P16,278,550 for Phase 2, P18,900,000 for Phase 3, and P33,250,000 for the last phase, P28,250,000 and P25,000,000 for buffer and additional fund respectively,” sabi ni Congressman Hernandez.
Sinabi ni Congressman Hernandez na “our farmers can now revert to planting rice, which is more sustainable and will earn them bigger profit.”
Iginiit nito na hindi lamang mga magsasaka ng Barangay Magsaysay ang makaka-benepisyo ng bagong-tayo na dam kundi pati na rin ang mga karatig-barangay nito.
“I am very elated to see this dam fully operational and functional again,” natutuwang-sabi ni Congressman Hernandez sa kanyang mensahe sa mga magsasaka at sa mga opisyal ng barangay at ng siyudad sa isang simpleng programa na ginanap mismo sa nasabing dam kamakailan lang.
Ang ilan sa mga opisyal na dumalo ay sina Mayor Eliordo Ogena, Board Member Dardanilo Dar, Board Member Henry Ladot, NIA Regional Manager Diosdado Morales, NIA-SCIMO Acting Manager Engr. Ma. Luz Laud, NFA OIC Mr. Nelson Sañada, Brgy. Capt. Luz Bustillo of Brgy. Magsaysay, Brgy. Capt Porferia Gumbao of Brgy. San Roque, CIA Federation Pres. Teodorico Padrigo, IA Pres. Jhon David, IA officials, barangay council at ang farmer-beneficiaries mismo.
“Ito ay isang patunay na walang imposible kung tayo ay maniniwala sa ating mga pangarap. May this feat be an inspiration to all— through hard work, dedication, and perseverance, we will be able to achieve even the heights that we once thought were unreachable,” giit ni Congressman Hernandez. (RAMIL H. BAJO/MINDANAO BUREAU)