Private Sector Employers, pwedeng mag-release ng pro-rated 13th Month Pay – P. Duterte

Read Time:1 Minute, 33 Second

Sa katatapos na presscon ni Pangulong Rodrigo Duterte katuwang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IAT-EID) na ginanap sa Heroes Hall ng Malacanan Palace nitong Lunes, Marso 16, 2020.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ipinahayag ni Pangulong Duterte na maraming paraan para makatulong ang mga pribadong sektor para mapagaan ang buhay ng ilang mga kababayan nating manggagawa na lubos na maaapektuhan ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng global pandemic coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa na magsisimula ngayong Marso 17 hanggang Abril 12, 2020.

Ilan sa naging salaysay ni Pangulong Duterte ay ang pagtatakda ng private sector employers na mag-release ng pro-rated 13th month pay para sa mga empleyado habang nasa ilalim ng ECQ ang buong Luzon. Aniya, makabubuti raw na isipin muna ang kapakanan at kalusugan ng bawat manggagawa at unawain ang ganitong sitwasyon lalo pa’t mawawalan ng hanap-buhay ang ilan sa ating mga kababayan hanggang Abril 12, 2020.

Dagdag pa ni P. Duterte, kung maari ay huwag na munang singilin ang mga maliliit na Pilipinong manggagawa na hirap sa pag-budget ng gastusin sa pamilya sa loob ng isang buwan. Gaya ng pagbabayad sa inuupahan, mga bills, at iba pa.

“Wala tayong magagawa. We want to do business, we want to make money, we want to move but there is no interaction now and there is no trade to speak of, and there are no flights going out – in for you to do business. In other words if you go there you are alone, so please understand that we are talking to you honestly and in good fate.” Pahayag ni Pangulong Duterte.

Maaari namang makapagtrabaho ang mga empleyado as Work from Home arrangement sa pampubliko at pribadong sektor kung kinakailangan. (DM) 

Photo credit to RTVM / Presidential Communications 

Sources:

RTVM live streaming via multiple TV Networks

Presidential Communications

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PHOTO NEWS: THE “ORGANIZER” AND THE “WARRIOR OF PEACE”
Next post KABATAAN PARTY LIST: Solusyong Medical, Hindi Militar; sagot ni DUTERTE: THIS IS NOT A MARTIAL LAW

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: