Nilinaw sa katatapos lamang ng press conference ni Pangulong Duterte na Hindi martial law Ang pagpapadala niya ng higit kumulang 40,000 na mga sundalo na magmementina sa umiiral na community quarantine sa metro Manila na itinaas sa comprehensive community quarantine sa buong luzon.
Taliwas ito sa pahayag ng isang party list group na isa itong hakbang upang muling pairalin ang batas militar sa bansa sa huling ipinatupad ng pangulo sa Mindanao.
Sa Facebook post ng Kabataan Party list noong Ika-13 ng Marso, sinabi nitong mas lalong nagdulot ng pangamba lalo sa ordinaryong mamamayan ang naunang press conference ng pangulo.
“Sa panahon ng pangkalusugan, imbis na tugunan ng estado ang batayang pangangailangan ng mamamayan sa kalusugan at serbisyo, tila naiiwan ang ordinaryong mamamayan sa ganitong kahirapan. Nagtulak rin ito ng panic buying at hoarding upang mailigtas ang kani-kanilang sarili sa ganitong uri ng pandemic”- Aniya sa kanilang Facebook post.
Ayon pa sa grupo, “implikasyon din ito 10B budget cut para sa kalusugan”.
Samantala, sa katatapos lamang na press conference ng pangulo sinabi nitong sapat ang pera ng bansa upang tugunan ang mga pangangailangan nito at walang dapat ipangamba.
Categories: NASYUNAL