
LIQUOR BAN SA CAVITE, DAPAT SUNDIN
Nagbaba nang ordinansang Liquor Ban ang Sangguniang Panlalawigan ng Cavite sa ika 6th Special Session nito ngayong Biyernes, Marso 20, 2020.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Batay sa Provincial Ordinance No. 271-2020. Mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta, pagkonsumo o pag-inom ng mga alak sa buong probinsya ng Cavite. Ito ay ang pagtalima sa mas pinalawak na Enhanced Community Quarantine at ang pagsasailalim sa Lockdown ng nasabing lalawigan. At para maiwasan din ang malimit na pagtatambay at pagkukumpulan nang mga residente sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.
Aniya, ang mga mahuhuling nagbebenta at umiinom ng alak ay may karapatang parusa upang mabigyang leksyon ang lahat. Ang ipinatutupad na enhanced community quarantine ng ating gobyerno ay dapat binibigyang importansya upang hindi na lumaganap at makahawa pa ang mapaminsalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) global pandemic sa ating kalusugan.
Narito ang mga dapat mabatid na impormasyon para sa kaalaman ng lahat;
Photo credit to Jolo Revilla
Source: Sangguniang Panlalawigan of Cavite