Gaano nga ba kahalaga ang Home Quarantine Pass sa bawat barangay?
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang Home Quarantine Pass o HQP ay kinakailangan ng bawat pamilyang naninirahan sa bawat barangay na kanilang nasasakupan.
Ibigsabihin, ang HQP ay isang uri ng Gate Pass sa bawat barangay na iisa lamang sa bawat miyembro ng inyong pamilya ang pinapayagang lumabas para mamalengke, mag-grocery, bumili ng mga gamot at vitamins sa pharmacy, at iba pang mahahalagang transaksyon tulad ng pagpunta sa mga banko na limitado lamang sa lahat.
Ang sinumang mahuhuling lumalabas ng bahay na walang HQP ay maaring hulihin ng barangay at hindi maari papasukin kahit ikaw pa ay residente sa inyong barangay kung wala namang ID na maaring ipresenta.
Sa panahon ng Enhanced Community Quarantine na ipinatutupad sa buong bansa. Iniiwasan natin ang kakapalan ng mga tao sa labas na palakad-lakad. Ito ay isa sa mga pamamaraan para tayo ay makaiwas sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.
Kaugnay nito, ipinatutupad na rin sa iilang mga concern areas ang 24hours curfew gaya sa Muntinlupa City. Sa ibang mga lugar naman ay mahigpit na ipinatutupad ang curfew mula 5:00PM hanggang 5:00AM. Maaring lumabas ng 5:00AM hanggang 8:00AM lamang at sa oras na 10:00AM hanggang 5:00PM.
Sa pagpapatupad ng ganitong hakbangin upang malimitahan ang pagkukumpulan ng mga tao sa labas ay inaasahan ng ating pamahalaan na tayo ay makikiisa sa kanilang magandang hangarin para sa ating kalusugan upang hindi na makahawa pa sa banta ng COVID-19. Ang tanging magagawa lamang natin ay mag-stay sa loob ng ating mga tahanan at huwag ng magtigas pa sa ating mga otoridad. Kaya ano pa ang inaantay mo? Nakuha mo na rin ba ang iyong Home Quarantine Pass sa inyong barangay, kaMilenyo? Para sa karagdagang impormasyon ay maari kayong magsadya sa inyong mga barangay kung ito rin ba ay kanilang ipinatutupad. DM | BARANGAY AKSYON | Photo courtesy MoRexter
#COVID19 #ENHANCEDCOMMUNITYQUARANTINE #HOMEQUARANTINEPASS #GATEPASS #PANDEMIC #DIYARYOMILENYO #BARANGAYAKSYON