
PHOTO NEWS: Female broadcaster namahagi ng “food supplement” sa mga tropa ng PNP, AFP na nagbabantay sa national highway sa South Cotabato
GENERAL SANTOS CITY, Mindanao — Isang broadcaster sa siyudad na ito ang umani ng papuri dahil sa ginawa nitong pamamahagi ng “food supplement” na Maharlika Pinoy Enzyme” sa mga tropa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng “checkpoints” sa GenSan-Polomolok national highway noong nakaraang-araw.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon kay Ms. Netnet Ortiz, isang kilala na radio broadcaster sa General Santos City at staff writer ng Ankor Daily News, namahagi ito ng food supplement sa mga tropa ng PNP at AFP para matulungan silang ma-boost ang kanilang mga immune system laban sa deadly COVID-19 disease.
Pinasalamatan nito si Dr. Solomon Kane ng Maharlika Foundation sa pagpili sa kanya na siyang mamahagi ng nasabing food supplement nito sa mga awtoridad. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO NETNET ORTIZ)