PHOTO NEWS: SNA sa probinsya ng Sultan Kudarat namahagi na ng “home quarantine pass” sa mga residente nito
SULTAN KUDARAT, Philippines — Nagsimula ng mamigay ang bayan ng Senator Ninoy Aquino (SNA) sa probinsya ng Sultan Kudarat ng “home quarantine pass” sa bawat pamilya na nakakalat sa 20 barangays nito. Ang pagbibigay ng nasabing “pass” ay isang paraan ng SNA para ma-regulate ang mga galaw at paglabas-labas ng mga tao sa labas ng kanilang mga bahay.
Ayon kay Mayor Randy Ecija Jr. ng SNA, ang pagpapatupad ng ganong polisiya ay upang masegurong ligtas ang mga residente nito sa tinatawag na “deadly COVID-19 disease.” Nasa “lockdown” ngayon ang SNA.
Pinayohan naman ni Mayor Ecija ang mga tao na maghintay na lamang sa kanilang mga bahay dahil ang nasabing “home quarantine pass” ay ipapamahagi ng kanilang mga opisyal sa barangay kasama ang barangay health worker at mga BPATs. (NIEVA LACDO-O ECIJA NACIONAL/MINDANAO BUREAU)