
PHOTO NEWS: Tropa ng 33rd IB (Baracuda Makabayan) nagsagawa ng “checkpoint” para mapigilan ang pagpasok ng “deadly COVID-19 disease” sa Maguindanao
MAGUINDANAO, Philippines — Tulad ng ating health frontliners, marunong rin silang mapagod pero pinipilit pa rin nilang magtrabaho para sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao laban sa tinatawag na “deadly COVID-19 disease” na patuloy na nananalasa sa ibat-ibang panig ng mundo.
Sila ang “squad” mula sa 33rd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na nakadestino sa probinsya ng Maguindanao. Makikita silang nagsasagawa ng “checkpoint” upang mapigilan ang pagpasok ng “coronavirus” sa probinsya ng Maguindanao. Ang nasabing squad ay pinangungunahan ni Sergeant Glen Badic (InF) PA.
Ang 33rd IB ay nasa ilalim ng pamumuno ni 1st Lieutenant Gleniel Y. Ambojnon (FS) PA.
Ang tropa ng 33rd IB ay umaapela sa lahat ng mga residente ng probinsya na manatili sa loon ng kanya-kanya nilang mga bahay. Pinayohan din nila ang mga tao na laging magsout ng “face mask” para sa kanilang kaligtasan. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO BARACUDA MAKABAYAN TROOPS)