Nakahanda na ang Makati Friendship Suites para gawing isolation facility ng mga Persons Under Investigation (PUIs) na may sintomas ng coronavirus disease(COVID-19) ayon kay Makati Mayor Abby Binay.
Ito’y matapos ma-convert ang dating hotel na mayroong tatlong gusali na magsisilbing tuluyan ng mga PUIs.
Aniya, ibibigay naman ang kaukulang pangangalagang medikal sa mga pasyente upang mapigilan ang local transmission ng COVID-19.
Maaring tumanggap nang hanggang 100 pasyente ang naturang pasilidad na pamumunuan ng mga doktor at nars ng Ospital ng Makati.
Ang Makati Friendship Suites ay dating tuluyan ng mga bisita ng city government mula sa ibang probinsya. Narito ang ilang mga larawan ng bawat pasilidad.
Para sa karagdagang balita, maaring bisitahin ang official Facebook page ng Makati sa link na nasa ibaba;
Photo courtesy: Makati City Government | ULAT NI REX MOLINES | NEWS.ABS-CBN.COM
Categories: Banner Story