P25K Funeral Support Fund para sa mga Indigents COVID-19 confirmed cases at PUIs
Makatatanggap ng Php25,000 na “funeral support fund” ang maralitang Pilipino o indigents na dumaranas ng nakamamatay na coronovirus disease (COVID-19), ito man ay confirmed cases o persons under investigation (PUIs) ayon sa Palasyo, Miyerkules (Marso 25, 2020).
Sa naging pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay maglalagak ng fund para sa mga indigents confirmed COVID-19 cases at Persons Under Investigation (PUIs).
“The DSWD shall allocate amounts for a funeral support fund allotted to the indigent confirmed Covid-19 cases and PUIs regardless whether they are undergoing home quarantine or admitted in a public or private facility. DSWD shall allot PHP25,000 per deceased for this purpose,” saad ni Nograles sa press briefing sa Malacañang.
Pangangasiwaan naman ng Local government units (LGUs) na magtalaga ng funeral services facilities sa mga labi ng mga namatay sa COVID-19 at ma-prevent ang paglaganap pa nito sa ibang tao.
Samantala, nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng 38 deaths at higit 3,000 PUIs ngayong araw.
Para sa karagdagang balita, bisitahin ng link sa ibaba;
https://www.pna.gov.ph/articles/1097817
Source: Philipine News Agency
Photo courtesy: WTXL.COM