
PGH, naghahanda na para maging referral center for COVID-19 patients
Naghahanda na ang Philippine General Hospital (PGH) na magiging referral center para sa mga COVID-19 patients ayon kay Dr. Jonas del Rosario, Huwebes, Marso 26, 2020.
Sa panayam ni kabayan Noli de Castro sa kaniyang programa sa DZMM Tele Radyo kay Dr. Jonas del Rosario spokesperson ng PGH. Maglalaan ng 130 beds ang nasabing ospital para tumanggap ng mga pasyente na may COVID-19 confirmed cases at PUIs.
Aniya, hahatiin ang work force ng PGH para sa mga COVID-19 patients at kanilang mga regular patients. Hindi rin kailangang mangamba ang mga pasyente nila na may iba pang mga sakit, sapagkat bukod ang pasilidad para sa mga Covid19 patients.
Ilan sa mga protocol ng PGH ay hindi sila tatanggap ng pasyenteng ginagamot na sa partikular na ospital. Bagamat, kanilang tatanggapin ang mga pasyente na irerefer sa kanila ng bawat ospital na hindi pa naadmit at kailangan ng tanggapin kung ito ba ay Covid19 confirm cases o PUIs. Dagdag pa ni Dr. Del Rosario na mas marami nang test kits ang kanilang ospital para sa mga suspicious covid19 cases na maari ng magamit at masmabilis na mababatid ang kondisyon ng suspicious COVID-19 patients injust 1 to 2 days lang.
Samanatala, nanawagan naman ang PGH sa mga vounteer doctors at hihingin din ang tulong ng military doctors kung kinakailangan. Aniya, hindi raw sila tatanggap ng volunteer doctors na edad 60 anyos para maiwasan na rin na sila ay mahawaan at ikamatay gaya sa mga napaulat na anim (6) na ang mamamatay na mga doctor sa bansa sanhi ng pagkahawa sa COVID-19 patients.
Sa pagtatantiya, magsisimula ang operasyon ng PGH for referral center para sa mga COVID-19 patients sa Lunes (Marso 30, 2020). | DM
Source: DZMM TeleRadyo
Photo courtesy by: http://www.pgh.gov.ph