
PHOTO NEWS: Mga tropa ng PNP at AFP na nagbabantay sa border area ng Sultan Kudarat at South Cotabato binigyan ng meryenda ng isang konsehal
COLUMBIO, Mindanao — Sinorpresa ni Councilor Datu Zahir Mamalinta ng bayan ng Columbio sa probinsya ng Sultan Kudarat ang mga tropa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbabantay sa border area ng mga probinsya ng Sultan Kudarat at South Cotabato sa Koronadal City upang bigyan ng meryenda nila.
Si Councilor Mamalinta ay anak ng yumaong si Police General Akmad Mamalinta, kung saan kilala na isang magaling at matapang na opisyal ng PNP noong nabubuhay pa ito. Ang ina ni Councilor Mamalinta ay si Bai Naila Mamalinta na kasalukuyang barangay captain ng Datalblao ng Columbio.
Ayon sa report na natanggap ng DIYARYO MILENYO, namahagi si Councilor Mamalinta ng “snacks” sa nasabing mga tropa ng PNP at AFP na mahigipit na binanbantayan ang daloy ng mga tao na pumapasok at lumalabas sa nasabing border area bilang “pasasalamat” nito sa kanilang ginagawang tulong at sakripisyo sa gitna ng pananalasa ng COVID-19.
“My simple act of expressing thanks to the men and women of the Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines and other frontliners (against the COVID-19),” sabi ni Councilor Mamalinta sa kanyang pinosteng mensahe sa social media ngayong-araw.
Ayon kay Councilor Mamalinta, “politics aside, Koronadal City is not my area of responsibility and these women and men (of PNP and AFP) are apolitical.”
Iginiit ni Councilor Mamalinta na “I am extending help in my own little way from my own pocket.”
Sabi ni Councilor Mamalinta na sinabi ng kanyang tatay sa kanya na noong nabubuhay pa ito na “kung may kakayahan kang tumulong, tumulong ka.” (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO COUNCILOR DATU ZAHIR MAMALINTA)