
Rice supply sa bansa, hindi kakapusin ayon kay Agri Sec. Dar
Sakabila nang umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong bansa dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay sapat naman ang suplay ng bigas hanggang sa susunod na apat na buwan ayon kay Agriculture Secretary William D. Dar, Huwebes, Marso 26, 2020.
“With harvest already coming in, along with the steady arrival of imported rice, we expect no shortage of the staple during the duration of the enhanced community quarantine and beyond,” Dar said.
Sa pagtatala ng Philippine Statistics Authority (PSA), kumokonsumo ang pamilyang Pilipino ng 35,369 Metric Ton kada araw, o higit 1.2 million MT kada buwan. Nasa 2.66 million MT ang rice stock sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Marso na tatagal ng 75 days. Ito ay dahil sa mataas na importation and new harvest rice sa bansa.
Aniya, kinokonsidera naman ng Department of Agriculture (DA) na makapagpunla o magtanim na ng mas maaga sa ilang mga lugar sa bansa partikular sa Regions 2 at 3, para masmapalawig pa ang produksyon ng rice supply sa third quarter ng 2020. Ito rin ay covered ng Rice Competitiveness Enhancement Fund at ang paggamit ng hybrid seeds.
“We can’t be complacent now. Cooperation, coordination, and understanding of each other’s plight can go a long way. Let’s help each other, consumer and producers alike,” Dar said.
Inaasahan ni Secretary Dar na makikiisa ang lahat sa koordinasyon, kooperasyon, at maunawaan na maihahatid ng maayos ng mga suppliers ang mga pangangailangan ng bawat consumers sa bansa. (DM)
Photo courtesy by: PANAY NEWS
Source: Tabloid PH
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Mga Naratibo mula sa Rehiyon tampok ang Buhay na Panitikan sa Iba-ibang Wika ng Isla at Kapuluan
Sa paggitan ng Buwan ng mga Sining at Panitikan, idinaos ng National Committee on Literary Arts (NCLA) ang “Panitikan ng...
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
Climate Change and the Impact to Economy (Part 2)
by Rick Daligdig [Part 2] Every time we experience ferocious typhoons or other calamities we only know about the...
Mayor Vico, nagbitiw na sa Aksyon Demokratiko ni Isko Moreno
Nagbitiw na si Pasig City Mayor Victor Ma. Regis "Vico" Sotto sa partidong Aksyon Demokratiko ni dating Manila Mayor Isko...
4 na Rehiyon sa bansa, Idineklarang State of Calamity
Idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa 'state of calamity' ang mga lugar sa Regions 4-A (Calabarzon), 5 (Bicol),...